Where It All Began — Toshiba

10 years ago nag start ako mag hanap ng work. Pagkatapos ng board exam, todo apply na ako sa mga Manufacturing Company. Sabi ko sa malapit na lang ako mag work kasi nga nastress ako sa buhay Manila. Ang hirap ng transportation at napakadumi.

Madami rin akong inapplyan non, anjan ung Samsung, Futaba, Amkor, Analog. Ang unang apply ko ay sa analog, Yun ang first na kabiguan ko. haha di ako nakapasa, para bang nakalimutan ko agad ung electronics ko non. Sabi ko na nga ba kahinaan ko talaga ang Op amps. haha Pero nong bumagsak ako non, medyo naluluha ako. Tingin ko kasi di ko nagawa ang best ko. Saka un ung first interview at kabiguan ko sa pag aapply. Ang second kong interview ay sa Futaba, grabe ung experience ko dito. Dito lang ako nasabihan ng HR manager na “I don’t like you” tapos bigla akong pinatayan ng ilaw sabay labas. Lol, di ko rin alam kung anong nasabi ko, pero nag papakilala pa lang ako non sa tell me about yourself. Siguro nga di para sa akin ang Futaba.

Ang 3rd and Last interview ko ay ang Toshiba. Di ko pa alam yung Toshiba at kung anong product nila na ginagawa dito sa Pinas. Nong time na yun kasi madaming product pa ang toshiba, may laptop, TV, Refrigerator etc.

Ang tanong sa akin ni Ma’am Myr, How did you know toshiba and what do you think the products we are making? Ang sagot ko laptop. Yun pala di na sila nag manufacture ng laptop sa Pinas. HDD na lang.

Parang goosebump lang kasi nong 5th year kami, ang napunta sa amin group ay ung different format ng pag save ng pictures at sound sa PC. Naisip ko parang may connect. Ito na ata ung work na para sa akin. Lol haha

And after a day, tinawagan ako nila Ma’am Lissette para congratulate ako na nakapasa ako sa Toshiba. Yohoho. Yun ata ang pinakamasayang pakiramdam ko after board exam. Iba pala talaga pag may taong nagtitiwala sayong kakayanan para makapag serve as Engineer.

Nadestino ako sa Toshiba LTI sa Binan. Noong una nahihiya ako kasi di ko pa alam kung ano ung expectation ko sa work. Although nakapag OJT naman ako sa manufacturing pero that time parang petiks lang ginagwa ko haha kaya feeling ko wala akong skills na mabibigay sa Toshiba para maging impactful ang paghire nila sa akin.

Pero kahit newbie lang ako, they treat me as professional and help me develop my skills.

Ang napuntahan ko ay Failure Analysis Engineering. I met a lot of talented people here.

Ang motto nga non ng HDC ay “We work hard but we Party Harder”

Lol every month ata nag swiswimming kami sa pansol. Napaka sarap alalahanin ung mga time na un na masaya at mura pa ang pag iisip namin.

Lumaban pa kami non ng sayaw lol haha mala macho dancer ang theme. hahaha syempre kaya kami nanalo dahil napapayag namin sila sir Jerry na sumayaw ng hubo’t hubad lol haha Happy times.

Ito yung first summer outing ko with Toshiba, sa 8 waves ata yan sa Bulacan. Behave pa kami nan haha

Then natransfer na ako sa Toshiba Canlubang para mag support sa Nearline HDD Development. Happy kasi new technology na naman ang focus ng team.

Ang naging teammate ko sa Helium Drives Development ay sina Ryan, Kristal, DK, Rogie. Tinawag namin ang team na Elite 5 kasi sa amin nakasalalay kung paano maimprove ang quality ng Helium HDD. I am proud to say na kami ang 1st to market ng Helium Drives sa HDD History. Syempre sa tulong na rin ng Evaluation Team at Design Team. Naging smooth ang development at less issues.

Ang next model naman namin ay ang MAMR HDD Technology. Ang teammate ko ay si Kristal, Ryan, Rogie, Carla at Mabelle.

Air model naman sina Sha, Arlene, Sir Edwin at Gale.

SMR model naman sina JJ, Katbilog, Wella.

PCB Team naman sina Jotham, April at Roselee.

Si mam relly naman ang super operator namin na nag support sa lahat ng models.

Ang pinaka favorite support ko ay si Takagi-boy, Siya ung nasa dulong kaliwa na lalaki.

Madami rin kami napagdaanan ni takagi boy from Mobile to Nearline HDD Development pinagsaluhan namin na ma-improve. I am really happy at siya ang naging Japanese Support ko for almost 9 years stay ko sa toshiba. Napaka considerate nya lalo na pag nagkakamali ako at palage nya akong tinuturuan ng tamang analysis sa mga issues namin.

Takagi-san, Arigato Gozaimasu

Ang best buddies ko naman sa toshiba ay sila Kristal, Carla, Bilog, Arlena, Sha, Deki, Ryan at Sir Rogie. Sobrang swerte ko sa kanila as teammates kasi walang crab mentality. Lahat nag bubuhatan pa akyat. Although minsan may mga di pagkakasunduan sa work pero I think normal lang naman un sa buhay office/laboratory. Kailangan mo lang maintindihan ung gusto nilang sabihin.

Ang mga natutunan ko sa kanila ay “You have to Listen first before you say anything.”

Sila din ang guide ko sa buhay pag ibig ko haha mga advisor ko yan ih. Lalo na si sir Rogie, maraming Tips, naalala ko may pinapabasa pa sa akin libro un para gumaling ako sa mga pag approach sa babae. Sa kanya ko rin natutunan yung mga do’s and don’ts lalo na pag may asawa ka na. Eto ung mamimiss ko na mga convo kay sir rogie. Sana’y makapagkwentuhan pa rin tayo kahit dina tayo magkaworkmate hehe dami ko kasing learnings sayo. Tiyak magagamit ko yun sa future family life ko.

Si Carlababoy naman ay ang pinaka bestie ko kasi madami kaming napagkwentuhan about sa life at sa plan sa buhay. Yun ang mamiss ko kay carlababz ung kulit at kwentuhan na sa una alang kwenta pero sa huli meron na lol haha Kung nasan ka man ngaun sana di mo malimutan ang mga munting sandaling pinagsaluhan natin na puro kalokohan pero may halong konting serious time. lol Goodluck sa Lovelife!

Si Kristal naman ang bestie ko sa diskarte sa mga Babae, LOL, magaling pa ata to sa akin man ligaw. Siya din ung tao na pinag oopenan ko ng mga problems. Masipag at Mabait din na kaworkmate ang batang ire pag tulog. Strong ang Personality at Love si Shibasaki. haha Kaya lang nong mga recent years palage na sya may ginagawa kaya di na masyado nakikipag kulitan sa amin sa likod lol haha busy yarn?

Si Arlena naman ay puro Gerald lang ang bukang bibig sa kwentuhan. Sana magkatuluyan sila sa future or other life. Kung kailangan mo ng mga tips para makakuwa ng BF. PM is the key lol haha Huwag ka na kasing choosy at mag move on na kay Gerald. hayz.. Si arlena rin ang Spy namin sa mga chismiss. Madami kasi siyang friend sa ibang section ih kaya madali kami makasagap ng mga balita. hahaha

Si Gale naman ang singer ng group, pag kantahan sya palage ang taya. Magaling kasing kumanta kahit maliit lang sya. Un mamiss ko kay gale ung bigla na lang sya kakanta lol haha Tinatawag ko rin siyang Gale chu kasi mukha siyang chihuahua hahaha

Si ryan naman ang naging guide ko para maging magaling na leader, sya ung magaling mag isip kung paano ihandle ang group. Lahat ng sinasabi nya may sense… Bagay na bagay syang maging SV. Nawa’y maging mabuti kang ehemplo sa iyong mga anakies.

Si Deki naman ang naging guide ko sa technical at pagtuturo. Magaling kasi un mag explain ng technical items. Weakness ko un ih haha hirap akong i-explain ung naiisiip ko. Well Deserve nya din na nakatapos sya ng Engineering gamit ang sariling sikap at time niya. Salute!

Si Sha naman ang kakulitan ko sa Politics. Madami kasing kwento yan sa mga bagay bagay na related sa mundo. haha may point naman sya pero trip ko lang tumaliwas sa kanyanng ideologyahahaha Malupet din ang tinahak niya career bilang financial advisor. Good luck at sana payagan ka na ng magulang mong gumala kasama ng pagibig mo lol haha

Si Bilog naman ay palageng work lang ang gustong pag usapan hahaha ewan ko ba dun, wala ata yung buhay. Pero ngaun nagbago na. Marunong na syang magtiktok. lol haha

Si emman naman ang tanging kaclassmate ko nong college na naging kaworkmate ko. lol haha mabait si emman at stick to one hahahahha Ayun lang ang masasabi ko Iyhang. Sana maniwala ka sa akin lol haha

Special mention din si Ayra at Ma’am Che, Pag may time lage kami nalabas sa nuvali. Si Ma’am Che ang naging guidance ko sa career at sa life. Madami akong natutunan kay Ma’am Che kung isa-isahin natin baka di na tayo matapos.

Si ayra naman ang naging guidance ko sa kalokohan. Pero napaka mature nya mag isip lalo na sa Career Development at ung Work Ethics. Hanga ako doon kasi masyado sya committed sa toshiba. lol kung may award lang na best toshiba employee baka sa kanya ko na ibigay.

Nakawork ko din sila sir judz, karlo, Sophie, lemuel, Markie, Melody, Ruel, JK, Dan, Katbilog, joel, JJ, Francis, Shane, Macwit, aleli, gerard, BB, Keneth, Josh at Joyce.

Si ep ang pakners ko non sa Slim Team. Unsung Duo kami non ih. parehas kami nag aaral at si ep ay napaka mahinhin at mabait na kaworkmate.

Si Boss Judz naman ang paro-paro ng group. Palage kasi syang lumilipad pag may babae ih. haha

Si JJ at Joyce naman ang support namin sa technical. Mas nauna kasi sila sa amin ng 3 buwan. Mabait naman si Joyce pero kay ryan lang lol haha Si JJ naman ang pinaka social person kung siguro may election sa toshiba baka sya ang presidente. I’m really happy na napapalibutan ako ng napaka lupet na technician. After 8 years nakamit na rin ni JJ ung Engineering Diploma niya. Well Deserved!

Si wellachan naman ang mukhang koreana ng team haha kaya lang galit pa din sa akin si wella haha nalimutan ko na kung bakit.. Napakalupet na FA Member si wella, siya yung tipong may Bank of Information kasi magaling siya magconsolidate ng mga investigation at techinical knowledge na naencounter nya kaya madali lang niya ma transfer yung knowledge sa ibang member ng team.

Si sir edwin naman ang pinaka malupet na technician workshop FA at pinaka masipag hehe

Si Mabelle at Sophie naman ang pinaka malupet sa reliability failure analysis.

Si Jotham naman ang pinaka malupet sa PCB FA. Laftrip parin talaga ako dun sa Jollibee Story. Kala ko talaga college na sya nakapag jollibee hahaha Sana makapunta ako sa probinsya niyo tol at mag tayo ng Jollibee haha peace

Si Roselee naman ang kanan kamay ni April lol haha

Si katbilog naman ang pinaka mabilog sa amin lol haha mabait si Kat kahit lage nya ako sinasabihan na di ko raw sya kinakamusta nong nasa Japan siya. haha Ang sabi ko 2D/3D ka ih. Slim team kami lol haha Thanks kat for always being there for me haha kahit paminsan minsan lang tayo kung makapag catch up kasi lage tayo magkaiba ng model haha

Basta ang Big 4 ng HDC4 ay si Kat, Ryan, April at Ako haha para sa akin ha. wag na kayo komontra.

I really have high respect for these people. Yow rock On! kung san man kayo mapunta if tuloy toshiba or not. Hope you enjoy life to the fullest.

Sa toshiba din namulat ang buhay hikerz ko. hehe Madami dami rin kaming napuntahan na bundok together.

Ang best buddies ko dito ay si francis at dk, sila palage ung lage mabilis yayain.

Si francis talaga ung nag iiba ugali pag nasa bundok na hahaha kasi pag sa toshiba puro chicks lang yun inaalala pero pag nasa bundok na parang lahat kami tiwala sa kanya. Kung baga kaya di ako takot sumubok non ay dahil anjan sya. Alam ko kasi maasahan yan pag nasa peligro ka. hehe Thanks francis!

Si deki naman ang walking encyclopedia sa bundok. Lahat ata ng puno alam nya at mga halaman. Maasahan din to kasi di napapagod. lol matindi stamina nito kaya sarap kasama lalo na pag may babae kasi dinadala nya ung mga gamit nila haha

Si jeff naman ung naging pakner ko sa FA nong nasa CIP na ako taz nakakasama din namin sa galaan. Eto ata ang pinaka maayos na hiker pag na akyat ng bundok. haha

Kuya Vane ang pinaka malambing na hiker. Pero Ate Vane na siya ang nakatuloyan nya ay si Jerwin na nakasama namin sa first hike niya lol. Ang pag ibig nga naman hehe

Anjan din si Iyhang, Malupet din tong umakyat haha Idol ko to lalo na sa mga Major Hike.

May mga bonggalicious na Christmas Party lage ang toshiba. Lage naman panalo ang CIP. Well deserved naman hahaha Si carlababz at lemuel ung pambato namin dito kasi sila lang ung may talent for dancing hahaha

Gusto ko rin mention ang HDC2 kasi sila ang Evaluation Team ng Group namin.

Si Mam Che, Sir Joel, at Ma’am Regie at Sir Edmon ang Big 4 ng Team nila.

Thankful ako kasi napaka committed ng mga members nila. They are ready to have an overtime until 12am lol haha Salute!

Sarap din kakwentuhan sila Jon, Ting, Chieffy… Hopefully maging oks mga career nila sa Toshi at sa Labas.

Si Joel, pala ang pinaka malupet sa chicks este sa work. Galing mag data analysis nito. Kahit sinong babae este mga issues kaya niyang isolve. haha. Joke lang po ung mga Chicks Ma’am Ivy. Dami rin ako natutunan kay sir Joel, kung pano mag present at pano mag prepare ng mga data. Ang first encounter talaga namin ni sir Joel ay nong sinita ako kasi ung cap ko di ayos. lol haha kala ko masamang boss lol haha pero oks naman pala. Godbless sa family mo sir.

Sir Ma’am Regie naman ang pinaka bully na supervisor hahaha in a good way naman. Mahilig kasi yan mang asar ih. Lage ako inaasar ng Junates haha Hopefully mam regie makapag diner tayo kasama ang inyong mga anakies haha Sabi ko sa kanya ako na magtutor kala Caitlin pero ayaw naman pumayag kasi ala daw sya tiwala sa akin haha

Si Ma’am G naman ang naging mentor ko sa EMS. Although wala naman ako naitulong sa kanya na mabuti haha kasi tamad ako mag corporate. Magaling si Ma’am G mag schedule ng mga bagay, di kasi sya nakakalimot mag pa alala sa team at masinop palage.

Si Ma’am Cha pala ang may crush sa akin. Nililinaw ko lang para di na maka rebut. haha Si mam cha ang naging Mother-in-work ko. Minsan napapagalitan me kasi makulit ako minsan naman pinpuri me. Pero madalas lage siya badtrip sa akin. haha Bayain mo mam cha pag nakaluwag luwag ako lilibre na talaga kita ng Milk Tea haha Dami ko natutunan kay mam cha, kung sa FA sya ata ang pinaka technical na Supervisor. Kahit anong gawin ko di ko matalo yan sa data ih, lage siya nauuna sumilip kung ano ung problema. Good Mentor at Inspirasyon ko yan sa toshiba haha Ingats ka palage mam Cha! 🙂

Si Sir Jonie akala ko Japanese nong pumasok ako sa toshiba tapos nagulat ako nong nagtatagalog lol haha Siya lang ata ang Engineer sa Toshiba na nakikinig ang mga Hapon pag nag prepresent. Pag kasi kami parang doubtful ang mga eyes nila. Sobrang lupet nan parang lahat ata ng tungkol sa HDD alam niya. Magaling din na mentor si Sir Jonie pero ang pinaka na appreciate ko sa kanya ung mga pabaon nya sa akin nong umalis ako sa HDC4. Sobrang lupet ng mga payo nya sa career ko. Siya din ung mentor ko sa programming kasi siya nag push sa akin na mag aral ng Macro excel at Python. Kaya saludo ako kay sir Jonie. Napaka professional talaga. Dream ko talaga na maging Sir Jonie ako the way I work and present myself.

Toshiba din ung nagbigay sa akin ng opportunity na makapunta sa dream country ko – Japan.

If may time kayo visit nyo naman ung adventure ko sa Japan.

2014 Japan

DSCN0754

DSCN0561

DSCN0636

DSCN0230

DSCN0506

DSCN0485

DSCN0463

IMG_0195

IMG_0179

??????????

DSCN0080

DSCN0097

DSCN0134

DSCN0169

DSCN0203

DSCN0332

DSCN0297

DSCN0351

2016 Japan

2021 Noong nalipat ako sa bagong Seciton ng HDC – HDC1 Firmware Testing Development

Sobrang welcoming ng group ng HDC1 di ko inexpect. Noong una ayaw ko pa lumipat kaya nagpadelay ako haha Syempre nalulungkot din naman ako noong aalis na ako sa HDC4.

Madami ako nameet na amazing friends sa bago kong team sa Function Group.

Di ko lang talaga trip Jap support namin hahaha

Si Jenny, sya ang pinaka malupet interms of experience sa Team. Natutuwa ako kasi ang dami nyang vision sa Team so di naging mahirap na mag innovate kami sa system. Nakikinig din sya sa mga opinion sa bawat member, gusto nya involve lahat at approve ang mga implement namin na pag babago sa team. Siguro ang mapapayo ko lang sa kanya ay alamin nya ung core gift ng bawat member nya, di kasi nya masyado malaman kung paano nya i-transfer yung knowledge nya sa ibang tao ih. Salute Jenny! Salamat talaga sa Support mo sa akin sa Team kahit newbie lang ako you give me respect as your Senior. See you soon! 🙂

Si Angel naman ang Team Manager namin haha lol interms of work ahh. Napaka Masinop ng taong to saka napaka Tiyaga. Hopefully maging successful sya sa barkoyuki career na ninanais niya. Ang sobrang mamimiss ko kay angel ay lage syang nagpapakain sa amin, Jco, at iba pang masasarap na food.

Si Sir Dave ang technical person namin sa server at VBA. Sobrang lupet din nito sa network at Linux. Idol ih. Gusto ko rin sana ma achieve ung knowledge nito hahaha Lahat na nakay sir Dave, Chicks na lang daw ang kulang.

Si Mau naman ang Muse ng Team. haha Napaka jolly at kulet nito. Pero deep inside napaka witty naman kaya siguro di na pinakawalan ni christian. haha Maasahan mo yan si Mau kahit anong request or busy nya ay bibigyan ka nya ng time para i-support ka. Good luck Mau sa studies.

Si Christian naman ang pinaka pariwarang tao na nakilala ko lol haha konting yaya mo lang sasama ih. haha Yes Man kung tawagin ko sya kasi pagkakain sa labas di na siya niyaya kasi sure na sasama. Gamer at malupet din sa Testing. Ginagawa nya ang Best niya kahit nagagalit si Kuro hahaha

Si Allen naman ang pinaka malupet sa babae. lahat ng department na may magandang chickas kilala nya haha Sana alagaan nya ung mga pamana ko sa kanya lol haha Interms of work ay willing talaga sya matuto. Palage siya nagtatanong ng mga dapat niyang improve sa team.

Syempre, Thanks din kay Ma’am Laarne for her undying support to me.. Sa lahat ata ng nasa HDC1 si Ma’am Laarne yung pinaka matagal ko na kakilala. Tanda ko pa nong bago pa ako ih, lage si mam laarne yung kausap namin. Dami kwento nan hehe Tapos sobrang bait pa. for almost 10 years. di pa rin nag bago yung pagiging approachable ni Ma’am Laarne.

Goodluck pala kay celine at maro. Sana maenjoy ninyo ang company ng team.

Si Sr Brent ang pinaka malupet sa System Evaluation Team. Kung sa HDC4 si Sir Jonie yung Idol ko, sa HDC1 si Sir Brent. Ang lupet nya kasi mag isip lalo na pag magsulat ng C language hahanga ka ih kung paano nya naisulat yung code base sa test cases na binigay ng Japan. Sobrang lupet din na mentor si Sir Brent, gusto nya talaga kami iguide para mag improve ang skills namin.

Si Sir Jinjo naman ang pinaka careful na person na kilala ko. Gusto nya talaga naacheck agad yung issue before pa madetect ng Japan. May vision din sya sa Team at gusto nya na maayos lage yung flow ng investigation namin para hindi nagkakamali.

Si Sir Jojo naman ang pinaka mabait na Senior Manager ng Toshiba. Lage sya nag bibigay ng cookies na sya mismo ang nag bake. lupet di ba. Maalaga din sya sa nararamdaman ng bawat engineer, techniciian at operator na under sa kanya. Feeling ko nga sa lahat ng SM siya ung may Puso hehe

Sir Jerry naman ang idol ko sa Manufacturing Managing. Basta ang lage niyang sinasabi sa amin ay “We are all professionals here, Alam niyo na yung tama or mali and I don’t need to always remind you. Basta do your best to support yung Design Team and I’ll support nyo.”. Sarap maging Senior Manager niya malaya ka to innovate and to think about how the team will grow and progress .

Before the final curtain goes down on my Life in Toshiba, I shall say to you my Friends and Teammates, “My gratitude-heart is all for you, All for you”

Thank you Lord for a wonderful experience in Toshiba. I met a lot of professionals that I will cherish as I continue my career as Engineer.

I hope the best for you Guys. At sana magkita-kita pa rin tayo kahit once a year. I will miss you all!

Di pa rin nag sink in sa inner self ko na di ko na ulit makikita yung loob ng toshiba hehe I don’t want to move on. It sad. Pero I have to.

Thank you and Best wishes to Toshiba’s future in HDD Development!

Leave a comment