Once Upon a Time in Cebu | Pescador Island, Moalboal Sardines, Aguinid Falls & Sumilon Island

“Gusto kong abutin ang tayog ng ulap
Gusto kong sisirin ang lalim ng dagat
Gusto kong makita ang ganda ng moalboal
Tuklasin ang hiwaga sa puso ko’y, bumabalot ”

Hiraya  Manawari! MgaPangarap natin, ating abutin!

Tara buksan natin ang mga Pahina.

p_20170127_065632_eff

Nagbreakfast kami ng Puto Maya at Sikwate habang tinitingnan ang napakagandang Basdaku White Beach.

Ang Puto Maya ay isang Rice Cake flavored with coconut milk. Matamis at may halong alat ang lasa nito. It’s a popular breakfast in Visayan Region na kalimitan sinasabayan ng Sikwate. Ang Sikwate naman ay isang hot chocolate na gawa sa purong Cacao at Brown Sugar.

 

Manong: Maayong Buntag! Bili na kayo ng Sikwate at Puto. Mainit ito at bagong Luto.

Kami: Sige po. Pabili po ng isa.

Jonat: Ang Sarap kuya, penge pa pong tatlo. haha The Best!

Manong: Abay, masarap talaga yan kasi sariwa at puro ang pagkakagawa jan.

Manong: Alam ninyo ba ang tawag dito sa amin ‘pag pinagsama ang Puto at Sikwate?

Jonat: Hindi po. Ano po yun?

Manong: Pusi. haha Parang Kumain na rin kayo nan ng Pusi! Sarap pag mainit!

Julius: Pwe! I don’t like Pusi. Its so so!. Ito lang ang Pusi na masarap.

Pescador Island and Moalboal Sardines

moalboal2

Ang Agimat ni Ingkong Tano (Courage)

Pumalaot kami sa dagat patungong Pescador kung saan nag hihintay ang mga nag gagandahang Coral Reefs ng Moalboal.

moalboal3Dala ang busilak na puso, hinanap namin ang nawawalang agimat ni Ingkong Tano.

Ayon sa alamat kung sino man ang makakuwa nito ay magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan.

Kaya sinisid ni Charles ang kaibuturan ng dagat upang hanapin ito.

moalboal8

Napakaganda ng scenery sa ilalim.

Ito rin ang unang beses na nag snorkelling  kami kasama ang magagarang isda na lumalangoy sa mga bahura ng makukulay na Bato.

Talagang na starstruck kami habang pinagmamasdan sila.

Narealize ko na talagang malawak at puno ng mysteryo ang dagat.

Mariz: oh marunong ka ba mag swimming?
Jonat: endi ih. Mag aaral nga ako ngaun kaya wala ako life vest. Huhu. Kaw ba?

Mariz: haha xempre naman. Kaya may pic ako sa butanding.

Jonat: Yabang. Haha

moalboal6

Natagpuan ni charles ang Agimat ni Ingkong Tano na mukhang Blue Star sa tabi ng pinaka magandang Koral sa Moalboal.

Sobrang saya namin ng mahawakan ito. Parang nagbigay ito ng kakaibang lakas  upang sagupain ang pabadyang bagyo at unos ng aming buhay.

Napagkasunduang iwan  na lamang ang agimat kung saan namin ito nakita. Napagtanto kasi namin na hindi lang kami ang nangangailangan sa Agimat ni Ingkong Tano. Marami pa rin ang patuloy na naghahanap ng inspirasyon at lakas ng loob upang harapin ang mga problema ng buhay.

Sana’y dumating ang panahon na magkaroon tayo ng courage kahit hindi natin makamtan ang Agimat ni Ingkong Tano.

Naniniwala ako na kaya nating harapin ang kahit anong klase ng alon basta manalig lang tayo sa Taas. Kahit na mahirap ang mga pangyayari, tandaan mong andiyan ang ating Panginoon upang gabayan tayo sa ating paglalakbay sa dagat, lupa man o himpapawid. Hinding hindi Niya tayo pababayaan.

moalboal4

Nilisan namin ang Isla ng Pescador dala dala ang panibagong tapang at lakas ng loob.

moalboal9

moalboal10

Lumang Tanghalan

Excited kaming lahat ng dumating kami sa Lumang Tanghalan ng Moalboal kung saan naninirahan ang libo-libong mga sardines.

moalboal11

Nilangoy namin ang bughaw na tubig ng dagat upang saksihan ang pagtatanghal ng mga munting Payaso ng Cebu.

moalboal14

Sa unang sisid pa lang ay binulaga agad kami ng nakakaaliw na sayaw ng mga sardines.

Parang malaking wallpaper na may animation ang inihanda nilang performance.

Iba talaga ang ganda kapag nagkakaisa ang galaw ng mga Sardines.

moalboal15

Ang Lumang Tanghalan na ito ay nagbigay ng maraming saya sa mga touristang dumadive sa Moalboal. Tunay ngang ang cute ng maliit. (Parang ako! Haha)

Nagbigay din ito ng dahilan upang mas pahalagahan pa natin ang iba’t ibang uri ng isda, malaki man katulad ng Butanding o kasing liit ng mga sardines.

moalboal16

Tara na’t sumayaw kasama ng mga Sardines ng Moalboal. Walang humpay na saya ang tiyak na dala nito.

Promise, hindi mo mafeel na single ka pagkasama mo sila.

Tiyak na libo-libong ngiti ang babalik sayo sa tuwing papanoorin mo sila sa kanilang munting tanghalan.

moalboal18

Bumalik kami sa white beach ng Basdaku upang magrefresh ng energy at kumain ng tanghalian.

Sobrang ganda pala ng beach dito kapag nailawan ng araw. Hindi kasi namin na appreciate ito noong umaga. Akala namin ay just another beach. But we’re wrong. Naging dalawa ang kulay ng dagat – may blue green at blue.

moalboal19

Kaya hindi namin napigilang lumusong at mag enjoy lumangoy sa napakagandang Beach na to.

Todo pictorial lang. Hehe bumawi yung mga hindi marunong sumisid upang magkaroon ng mga pang profile picture na larawan.

This slideshow requires JavaScript.

Nilisan namin ang Moalboal dala ang mga aral na binahagi ng Agimat ni Ingkong Tano at Lumang Tanghalan ng Moalboal.

Sulit talaga sa ganda. At marami pang lugar sa Cebu ang dapat abangan habang unti-unti nating nililipat sa susunod na pahina.

moalboal21

 

Aguinid Falls, Tangbo Samboan Cebu

“Kaya kong pakawalan ang hiwaga sa aking puso
Kaya kong hawakan ang lamig ng Aguinid Falls
Kaya kong isabog liwanag na aming taglay
Liwanag na nagsisilbing tanglaw ko sa patutunguhan”

aguinid1

Apolonio sa Kaharian ng Hardinia

Labing Isang magaganda at makikisig na prinsesa at prinsipe ang inimbitahan ni Haring Apolonio upang ipakita ang isang natatagong kayamanan ng kanyang kaharian dito Cebu.

Halina’t sabayan natin bisitahin ang mga waterfalls ng Aguinid. Kayo na ang humusga! At sigurado naman akong hindi masasayang ang oras ng pagpunta niyo dito.aguinid2

Isang tagapamahala ang nagpaliwanag ng mga do’s and don’t sa pagbisita sa Aguinid Falls.

Eden: ang Aguinid Falls ay may 6 na level ng waterfalls. At ilan sa mga bato nito ay madulas kaya kelangan ng doble ingat sa pag-akyat. Sumunod lang sa mga guide bago mag dive or umakyat ng Talon. Hindi safe ang pabigla biglang dive dahil hindi gaanong malalim ang tubig ng mga talon. Mag ingat at mag enjoy lang sa nature!

aguinid4

Sinulong ng mga Prinsesa at Prinsipe ang bagong pahina ng adventure nila.

Sa bawat sulok ng ilog ay nakakatagpo sila ng  napakagandang tanawin . Hindi nila mapigilang tumigil at ienjoy ang kaharian na puno ng kalikasang may puso. Tila nangungusap ang mga huni ng ibon at tunog ng mga kulilig kung gaano sila kasiya na makasama ang mga prinsesa at prinsipe. Sinuklian naman ito ng matatamis na ngiti ng mga Dayo ng Hardinia.

aguinid12

Nasubukan din ang mga Dayo  sa pagrarapel sa mga waterfalls.

Isa ito sa pinupuntahan sa Aguinid Falls. Kakaiba ang feeling kapag dumadampi ang mga tubig sa paanan habang umaakyat gamit ang mga lubid.

Dagdag ingat na lang sa paghakbang at sumunod sa mga guide dahil ang ilang part kasi ng talon ay madulas.

Delikado man. Lakas loob pa rin ang ating mga Bida sa pag explore sa  lugar.

aguinid7

Jonat: guys wait lang. Tigil muna. Okay. Smile! Haha

Magaling din magpicture ang mga Guide ng Aguinid. Kita naman sa mga angulo ng kanilang mga kuwa.

They feel so blessed sa natagpuan nilang pagkakaibigan sa mga tagapamalaga ng Talon.

This slideshow requires JavaScript.

aguinid9

Ang ikaapat na talon ay katulad ng isang malaking umbrella.

Napakasarap ng massage sa ilalim nito. Mapapahiyaw ka din sa lamig!

Sulit sa kulit ang picturan ng ating mga prinsesa at prinsipe. Dito sila nakatagpo ng bagong paraiso.

Walang humpay na mga tawanan ang narinig sa buong kaharian.

aguinid13

Bago marating ang dulo ng Aguinid Falls, sinubukan ang ating mga Bida na mag cliff jumping sa ikalimang waterfalls. Wala na silang no choice.

Ate tina: Hindi ko po kaya.

Guide: kaya mo yan! Sasabayan kita sa pagtalon.

Ate tina: sige po. 1 2 3! Wahh.

Ate tina: Hindi nyo naman po ako sinabayan. Lahat naman ng lalaki nang-iiwan sa ere huhuhuhu.

aguinid14

Naabutan nila sa dulo ng falls si Haring apolonio na nakangiti.

Apolonio: naway nag enjoy kayo sa simpleng kaharian ko. Humayo kayo at iparating sa iba’t ibang kaharian ang natatagong likas yaman ng Samboan Cebu.

Prinsesa at Prinsipe: Opo. Mahal na Hari!

Sabay sabay na nag padulas ang ating mga bida sa mga talon ng Aguinid upang buksan ang kasunod na pahina ng kanilang paglalakabay.

 

Sumilon Island

“Hiraya Manawari, Hiraya Manawari
Ang Sumilon Island ating abutin
Sa lakas ng isipan at busilak na kalooban
Hiraya manawari ating abutin”

Anino (Friendship / Humility)

Anna: jonat! Gumising ka. Nasa sumilon na tayo.

Jonat: ahh ganda ng panaginip ko tol. Napunta raw tayo sa Aguinid kung saan naroroon ang kaharian ni Apolonio.

Anna: tsk. Iwasan mo nga yan pagbabasa ng mga kwentong puno ng fantasy. Ito oh! Ito ang tunay na paraiso!

Jonat: wow!

sumilon3

Padaong pa lang ang bangka namin ay sinalubong na kami ng napakahabang Sand Bar ng Sumilon.

Puting puti ang mga buhangin dito at napapalibutan ng napakagandang Karagatan ng Tanon Straight.

Mahirap lang mag swimming dito dahil sudden drop ang gilid nito. Kaya sa mga hindi marunong maglangoy, ang tanging maenjoy niyo dito ay ang napakagandang view na  pinapalibutan ang napakahabang Sand Bar.

sumilon4

Hindi na namin pinatagal at kami ay nagtataon na paramakapag imbak ng maraming Jumpshot. haha. Di marunong lumangoy problems.

sumilon14

Ginalingan na namin! Sineryoso namin ang pag arte para talagang kitang-kita ang emotion na gusto namin iparating. haha Pero ang totoo ay gusto lang namin sipain at suntukin ang isa’t isa. haha

SuntokPose.SupermanPose.SipaPose.RevengePose.

Kahit anong hastag, basta ang mahalaga ay na-enjoy namin ang stay namin dito.

 

This slideshow requires JavaScript.

Hindi naman nagpahuli si Ate Tina. The only Mermaid we had in this Trip.

Talagang pinakita niya kung paaano ba ginagawa ang Sumilon Water Hair Flip. Muntik na akong mainlove kay ate tina. True Story!

sumilon9

Umupo kami at tumingin sa napaka gandang sand bar na nakalatag sa aming harapan.

Marami ngang sand bar ang hindi pa namin nararating. Marami pa ring lugar ang hindi pa namin nakikita. At kung tatanongin mo kami kung may bucket list ba kami upang puntahan ang lahat ng iyon? Ang sagot lang namin ay “Wala”.

Ilang Taon na rin kaming nagtratravel. Noong nag umpisa kami ay may mga bucket list din kami na gustong puntahan. Pero noong unti-unti na namin nararating isa-isa ito parang nawala na yung urge na puntahan lahat and put an X to it one by one.

For us, We travel to different places not to put an “X” to the map or to the List. Rather, We go to different places, Beaches, waterfalls, mountains and historical places because we love to create memories. Not only for our friendship to grow but also to open up another chapter of our life to the people we met along the way.

Nice to meet you Anna, Yabang (Mariz) and Tita. Keep the travelling spirit on Fire!

sumilon7

Single nga ako for now. I traveled with my friends. and I learned a lot from them. But it didn’t make me feel sad. Because deep inside, I knew na Single din sila! haha Damay damay lang.

Marami pa talaga akong gustong isulat na stories. Stories na gustong kong basahin kasama ng aking The One 20 years from now.

sumilon6

We close the pages of our day 2 here in Cebu while watching the beautiful Sunset of Sumilon Island.

Thank you to Ate Leyla for bringing and guiding us in this tour with all your heart. I hope you will continue to share the beautiful places here in Cebu to the People who want to get away from the Busy Streets of his/her Life. Godbless!

sumilon15

 

 

Endi na kasi kami natuloy sa Osmena Peak dahil masyado ng Late sa Schedule. Here’s a Glimpse of it. (Photo Credit’s to Mina Elizon)

mina_proc

 

 

 

Namiss ko talaga ang show ng Hiraya Manawari. Sana natupad kong buksan ang imahinasyon niyo noong dekada 90’s. Tumatanda na nga talaga tayo!

 

Please also see below link for our Itinerary.

Once Upon a Time in Cebu: Oslob Whale Shark Viewing and Canyoneering to Kawasan Falls

 

Advertisements

One thought on “Once Upon a Time in Cebu | Pescador Island, Moalboal Sardines, Aguinid Falls & Sumilon Island

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s