Mt. Daraitan | Tinipak River Adventure

Narinig nyo na ba ang Alamat ni Nardong Putik at ni Aling Maliit?

Kung hindi pa,tara at samahan nyo kaming buksan ang mga pahina na naglalahad ng bagong Pag Ibig at Pag Asa.

Nag simula ang lahat ng magawi ang mga kawan ng magtrotoroso sa isang Lugar sa Rizal. Dito sila nanirahan at namuhay kasama ang mga Aitang Dumagat. Tinawag nila ang Maliit na Nayon na ito na “Daraitan”, hango sa salitang “Dara” na galing sa “Darangan ng mga Magtrotroso” at “Itan” na mula sa salitang “Aita“.

mt

6:00 am ng magkita-kita kami sa Shaw Starmall upang sumakay ng Jeep papuntang Tanay Rizal. Luckily, Kami ay inalok ng mga Jeepney Driver ng diretsong hatid sa Brgy. Daraitan. Tinanggap namin ito dahil reasonable naman ang halaga at para mas mapadali din ang biyahe namin.

Masaya kaming nagkwentuhan sa Jeep.

Dito na namin nakilala ang bagong engaged na si Art at Vina. Malaki si Art at Tahimik si Vina. Yun talaga ang first impression ko. haha. Doon ko rin nalaman na 3 Words lang ang maximum na salita ang kayang bigkasin ni Vina sa loob ng isang araw. Di ko ma-imagine kung paano nag uusap ang dalawa.

Jonat: ilan ito?

Vina: Isa!

Jonat: Huwaw, congrats. nakakapagsalita kana. haha

 

Noong nalaman nila lara na wala akong dalang adobo. Ito lang ang nasabi nila…

“Walang Adobo si Jonat. Yan si Jonat. Huwag Gayahin si Jonat.”

Grabe lang! Mapanghusga agad sila. Hindi naman ako Paasa. Ako nga lage ang umaasa’t nasasaktan. haha Pero feeling ko naman mag eenjoy din sila sa bandang huli. Like I always said “Everything is according to my plan”

daraitan43

Maraming nakakatuwang nangyari sa 3 hours na pag-upo namin sa Jeep ni Kuya Greg.

daraitan2

At sa wakas, Nasilayan na rin namin ang napakagandang Lugar ng Daraitan.

Excited kaming Bumaba. Ginulat kami ng nakakabighaning Ganda ng Ilog at kabundukan ng Rizal.

daraitan3

We cross this bridge to write the Page One of this Adventure.

daraitan1

Brgy. Daraitan and the Trail going to Tinipak River 

Dumating kami sa Pamahalaang Barangay ng Daraitan around 10:00am.

Nagregister kami. At ang guide na binigay sa amin ay si Sir Ruel.

Kumain muna kami ng lunch bago magsimulang mag Caving. First time kung makakain ng “Putang“. Akala ko minumura na kami nong tindera.

Jonat: Ate, pabili nga po nito. ano pong tawag dito?

Ale: Putang!

Ivan: Bakit po “Putang”?

Ale: Mapapa Putang Ina ka sa Anghang.

Carl: Literal pala na sa Mura yan kinuwa. Saan po ba gawa ito?

Ale: Dito lang yan makikita! Masarap po yan! Delicacy talaga ng Baranggay namin. Gawa po yan sa Dahon ng Kamoteng kahoy na nilagyan ng napakaraming Sili.

Keneth: Putang talaga sa Sarap.haha

daraitan4

Pagkatapos kumain, in-orient na kami ni Sir Ruel sa mga Dos and Don’ts.

  1. Bawal Magkalat
  2. Bawal Lumangoy ng walang pahintulot ng Guide
  3. Allotted of 5 to 10 minutes Cave Tour per Group.

Ang plan ay sa Tinipak Campsite kami mamalage hanggang gabi at doon na rin magstart ng final assault sa umaga papuntang Summit. Halos 3 to 4 hours pa ang Ascending Time towards to the Peak kapag galing dito.

daraitan5

Sabi ko kay Sir Ruel, “Boss Eto na ba?”

Patikim palang yan. Mas magagandang Rock Formations pa daw ang makikita namin sa mismong Tinipak.

daraitan6

Xempre Picturan Grande agad kami.  Alam nyo naman, Kami ang klase ng mountaineers na Sugapa sa Picture. haha Kapag nakasabay nyo kami. Please understand us po. 🙂

Kahit naman sino siguro ay mabibihag sa ganda ng tanawing na makikita dito.

daraitan7

daraitan45

Huling Banat ng Binti bago makarating sa Campsite!

daraitan8

Tinipak River Campsite

Maraming tao ang nadatnan namin dito. Talaga palang sikat na ang Daraitan!

Marahil ito ang Critical Season ng Bagong Tourist Spot na ito ng Rizal. Sa sobrang daming mga Bisita, Hindi maiiwasan ang Kalat at ilang mga Pasaway.

To all: Always practice Leave No Trace Attitude at the Campsite, Trails, Summit and Sidetrips of the Tour.

Please lang. Ang ganda ng Lugar. Huwag natin Sirain.

daraitan10

Di ko inexpect na kumpleto rekados ang Campsite.

May mga tinda na ditong mga Ulam, Lomi, Halo-halo at Hamburger. Name what you Want!

May mga Cottage na rin sa halagang 1200php para tulugan ng overnight.

The Good News, I never see any Vandalism around the Campsite. Thank God!

daraitan9

Nagtayo kami  ng Tent. Nagpahinga. Umidlip. Nagkwentuhan. At Nagtawanan.

daraitan47

Ilan sa mga nakakatuwang usapan ay ang Wanted Mountaineer GF.

Jonat: Saya siguro pag parehas kayong mountaineer ng magiging Pag ibig mo.

Keneth: Bakit?

Jonat: Xempre, kasa kasama mo sa Galaan eh. Ung Mas malapit sa Nature. Hindi puro mall.

Kath: haha dapat gumawa ka ng Wanted Poster tapos lagyan mo ng Requirements.

For example:

  1. Marunong magtayo ng Tent..
  2. Marunong magluto sa camping.
  3. Naka akyat na ng bundok – minimum of 8 Peaks
  4. Saka Mabilis tumakbo.

Jonat: Tol ayoko ng mabilis tumakbo at saka nag Fun Run.

Kath: Bakit?

Jonat: eh Kasi ang Hirap Habulin nang Puso nila. Nakakapagod. Hahaha.

daraitan11

Pagkatapos ng simpleng kulitan, kami ay bumaba para bisitahin ang Tinipak River.

daraitan12

Sobrang na amaze kami sa First Glimpse of Tinipak River.

Sabi ni Sir Ruel, “Tinipak” daw ang pangalan ng ilog dahil sa Tipak-Tipak na Bato na matatagpuan dito.
daraitan13

daraitan22

Tumawid kami sa Bamboo Bridge para buksan ang Page two ng aming Adventure. Cave Tour Here We Are!

daraitan14

Daraitan Cave Tour

Sabi ni Keneth (Guide), Delikado raw ang part na ito ng ilog dahil marami na raw magagandang babae ang nalunod at hinigop nito. Ang sabi ko naman, Wala kaming dapat alalahanin. Ligtas na Ligtas ang mga kasama ko kahit magvolunteer pa sila. hahaha. Peace.

daraitan20

Naging mahaba ang Pila sa pagpasok ng Kweba dahil dalawang grupo lang ang allowed sa loob.

And It’s worth the wait!
Going down was not easy because the rocks were quite slippery. Dahan-dahan lang sa paghakbang.

daraitan16

Nag  flashback lahat ng experience ko sa Underground River Cave sa Cavinti.

How I missed the Stalagmites and Stalactites of the Caves? It was really fascinating to see again those Millennium Rocks.

daraitan19

daraitan36

Malawak ang loob ng cave at marami ka ring makikitang Amazing Cave Rocks Pattern. Indeed, Every Caves are Specials.

daraitan30

daraitan17

Sa dulo ng Cave matatagpuan ang Maliit na Batis kung saan pede ka magtampisaw. Mababaw lang naman ito kaya tiyak na maeenjoy ng kahit sino ang paliligo.

This was the highlight of the cave tour. The stream of the Cold Water would make you shivered.

daraitan35

daraitan44

I-nenjoy namin ang bawat segundo namin sa Paliligo at paglilibot sa munting Yungib ng Daraitan.

Thank You Lord for a Splendid Nature Experiences that You always shared in our every Hike.

A Great Philosopher once said that One must be One with Nature in order to fully understand its wildlife and heart.

And I believe that this Cave Encounter will give us enough reason to protect and to care more about the Environment.

Let’s Get Out in our Cave and Bring the Good News of Nature! And Live with it!

daraitan21

After the Cave Tour, we hurriedly went out to make ourselves comfortable with the serene flow of the river.

Here’s some of our Photos that will inspire you to visit Tinipak River:

daraitan48

daraitan29

daraitan27

daraitan46

daraitan50

daraitan37

daraitan53

daraitan23

Nardong Putik at Aling Maliit

daraitan15

Bumalik kami sa Camp Site bago tuluyang lumubog ang araw.

Ang ilan sa amin ay nag Lomi muna para magpainit ng katawan.

The Best ang Lomi dito! Kaya wag kayong magdalawang Isip na tikman. It would never disappoint you! I promise!

Then, Nagstart na kami magluto at magprepare ng hotdog, kanin at itlog na pula.

Keneth: Kasya na ba itong kanin? dalwang saing lang ginawa namin.

Dina: Naku, anjan si Art. Malamang di kasya yan! Dalawang Kaldero yun palage eh.

Michael: Grabe si Dina!

daraitan57

Alas Nuwebe ng gabi  nang mag simula kaming magdiner. Nag lead ng prayer si Keneth.

Keneth: Thank you Lord sa pagkain na nakahain ngaun. Naway Iblessed nyo po ito para bigyan kami ng lakas para bukas. At Maraming Salamat din po sa araw na ito. Amen.

Masaya namin pinagsaluhan ang simple ngunit masarap na hapunan.

Pagkatapos ng napakasayang kwentuhan, natulog kami ng mahimbing at nakangiti. haha Buong gabi talaga akong nakangiti ng dahil kay Michael! Peace.

Then suddenly a loud voice wake up us to Start the Final Page of our Adventure.

daraitan26

Mt. Daraitan Adventure Towards the Summit

Naging matarik ang trail ng Mt. Daraitan.

Si Sir Ruel ang Lead Hiker at ako naman ang sweeper ng Group. 3 hours din ang inabot ng aming pag ascend to the Peak.

Nang dumating kami sa Camp 2:

Jonat: Boss, Malapit na po ba?

Hiker1: 10 minutes na lang!

Jonat: Sure po ba yan?

Hiker1: Oo naman. Mahirap magpaasa. (Hugot101)

 

Kami ang First na dumating sa taas subalit naging foggy naman ang buong summit. Nagworry kami dahil hindi kami ready sa ganitong kind of weather. Naging Malamig at Maambon sa tuktok ng bundok.

Kumain kami ng breakfast sa Peak habang hinihintay ang paglitaw ng bukang liwayway

Subalit 6:30am na ay hindi pa rin nawawala ang Fog at Ambon. Sabi ni Sir Ruel,  baka di na raw magpakita ang Sunrise sa amin.

Pero tuloy pa rin ang Saya!

daraitan42

This is the First Time that I will not see any View at the Peak of the Mountain. Nakakalungkot. Pero I realize na hindi dapat ganon ang attitude. Whatever Views or Conditions that the Mountain offers to you, Take it and Enjoy it like its the Best Gift you ever Receive at the Summit.

Thank you Mt. Daraitan for a Superb Climb! We did enjoyed all the Trails and Rockies.

daraitan25

daraitan55

Ano ba talaga ang itsura ng View sa Summit?

My Friend Jenn just witnessed all the magnificent view of Mt. Daraitan. Below were some of their Pictures that Inspired me a lot. (Photo Credits to the Owner, Monkeyneers)

daraitan40

daraitan39

Oh diba ang ganda? Sana’y masilayan nyo rin ang Sea of Clouds ng Mt. Daraitan!

We all have the reasons to climb again this Mountain! And to be challenged by the Steep Trails and High End Rockies!

daraitan31

7:30am nang magstart kami mag descend from the Peak. Medyo nangangatog na kami dahil sa lamig at ambon.

Nang dahil sa Ulan, naging Muddy ang daanan namin pababa.

Ang nagsilbi naming gabay ay ang mga Man-Made Railings at Bamboo Stairs na inilagay ng mga Guide sa Trails. Kung wala ito baka gumugulong na kami sa bawat paghakbang namin.hehe I have to admit – Mahirap bumaba ng madulas.

Ang ilan din sa trail ay medyo Masikip. Before ka umakyat ng Daraitan, Be sure na mag diet para makalusot ka sa mga nag-uumpugang bato.

daraitan34

Ang tanging nag benefit lang sa Muddy Trail ay si Ivan a.k.a. Nardong Putik at si Lara a.k.a. Aling Maliit.

Nag Holding Hands at Nagsayaw sila sa mga Huni ng Ibon at Ilalim ng mga Patak ng Ulan.

Ginawa kasi nilang Park ang buong Trail. Haha Daig pa nila sina Art at Vina sa overload sweetness. Tsk Tsk!

Nardo! Push mo na Yan sa tunay na Buhay! haha Wag lang dito sa Bundok.

Pagktapos ng dalawa’t kalahating oras na pagbaba, narating din namin ang Jump Off Point.

Thank you po Lord at naging safe lahat kami kahit medyo naging madulas ang daan. Thanks po sa Guidance!

daraitan51

We wrap up this Adventure with the thoughts of:

Ilakad ang Tsinelas sa Putikan.

Humakbang kahit na Mahirap.

Ang iyong paa’y madudumihan.

Palatandaan ng Pagsusumikap.

daraitan56

Guys (Keneth, Ivan, Lara, Geraldine, Carl, Kath, Art, Vina at Michael), thank you sa pagsama sa Mt. Daraitan Climb.

daraitan49

Siguro kung hindi natin kasama si Carlito ay makakakita tayo ng Sea of Clouds. hahaha Peace. See you again! Godbless sa mga Travel Plans ninyo at sana magkasama-sama ulit tayo sa pag akyat ng magagandang Bundok dito sa Pilipinas.

Thank You Lord for this Trip. We learned a lot. And we assured You to share this experiences to everyone – to open up their hearts and minds about How Beautiful the Nature could be.

“In whatever you do, focus on the positive. Base your actions on the hope that things can be better. Look to the mountain for inspiration. Think of the beautiful views and the fascinating wildlife that have filled your heart with happy memories.”

“May the Mountains keep showing us the beauty of our country and environment and inspire us not just to share, but to protect it. ” – PinoyMountaineer

“To think not more of the dark but the wonders that await when we find the courage to step into the unknown and conquer that fear. In conquering that fear you may discover something beautiful.” – Lara


Foods Preparation:
Jonat’s Item: Adobo, itlog na pula at kamatis, Hotdogs and Rice (2kilo)
Ivan’s Item: Palaman + Tasty Bread (ung may kulay)

Tent Preparation:
Jonat’s Tent – 4 to 6 Person
Ivan’s Tent – 4 Person
Geraldine’s tent – 4 Person

Cookset:
Jonat’s Super Kalan + butane (2)
Keneth’s Cookset

What to bring:
2 to 3 na damit pamalit
1 Head lamps para sa night trek (with extra battery)
Kutsara and tinidor
Plato and Baso
3 Liters of Water (depende sa inyong capacity)
Saturday’s Lunch Baon
Camera to capture me during trekking

 

Transportation:
400php – balikan (Estimated)

How to commute: Ride a Jeep from the terminal at Shaw Starmall going Tanay Rizal. From Tanay, you can ride a Tricycle going to Brgy. Daraitan.

Madaling Diskarte: You can negotiate a Jeep in Shaw Starmall Terminal to have a direct ride to Brgy. Daraitan for approx. 200php per person (Depends on your number)

Note: You can Hired a Jeep or Van for 3500php from Shaw to Daraitan and Vice Versa. You may contact below person:

Van –  Contact Name: Paolo, CellPhone No.: 09361826193

Jeep – Contact Name: Greg, CellPhone No.:09123264771

 

Guide Fee:
1250php – 10 pax

Kuya Kent – 09059612649

Kuya Ruel – 09054984642

Possible Total Budget (Per Head): 1000 each person

 

Other Fees:

Entrance Fee to Tinipak River- 25 php

Tent Fee – 5 php

Unlimited CR Fee: 25 php

Cave Fee – 5 php

 

Mountain Details:

Major jumpoff: Brgy. Daraitan (village centre), Tanay
Minor jumpoff: Sitio Cablao Brgy. Pagsangahan, General Nakar
LLA: 14°36′48.5′′N 121°26′19.5′′ E, 739 MASL (+600)
Days required / Hours to summit: 1 day / 2.5-4 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 4/9, Trail class 1-3
Features: Tropical forest, limestone formations, river trek
Article history: Created 10/20/14 Last updated 10/20/14

Overnight Mt. Daraitan and Tinipak River Itinerary:
First point: Jeepney/SUV terminal to Tanay at Starmall Shaw Blvd.)
0600 ETD from Shaw (Ride jeep or SUV in Starmall terminal going to Tanay terminal/wet market)
0800 ETA in Tanay terminal/wet market (Ride tricycle to Brgy. Daraitan)
1000 ETA in Brgy. Daraitan/ register and get a guide/ take early lunch (This is the jump-off point.)
1130 Start trek to Tinipak River campsite
1300 ETA in campsite
1330 Set-up tent/ prepare for caving adventure
1600 Return to campsite
1700 Prepare dinner
1800 Dinner/ Socials
0215 Prepare for Mt. Daraitan climb
0230 Start hike
0530 At Mt. Daraitan Peak/ photo opp
7:30 Start descend / after simple breakfast at the Peak
1000 ETA in campsite
1100 Pack up
1230 Return to jump-off point/ take lunch
After lunch go home and rest na tayo.

Advertisements

4 thoughts on “Mt. Daraitan | Tinipak River Adventure

  1. mangteban says:

    “Whatever Views or Conditions that the Mountain offers to you, Take it and Enjoy it like its the Best Gift you ever Receive at the Summit.”
    -Indeed! May sea of clouds man o wala, umulan man o umaraw, enjoy lng. We are not there for pictures but to experience the great nature. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s