Mt. Pulag and the Majestic Sea of Clouds

MT. PULAG (AMBANGEG TRAIL)
Bokod, Benguet
Major jump-off: Ambangeg Ranger Stn, Bokod, Benguet
LLA: 16°34’58″N 120°53’15″E, 2922 MASL (#3)
Days required / Hours to summit: 4-5 hours / 1-2 days
Specs: Major Climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-2
Trail system: Grand Cordillera Trail, Section 3

mt pulag3

The Majestic Mt. Pulag is the highest Peak in Luzon and one of the most beautiful mountains in the Philippines. It features a breathtaking Sea of Clouds, Dwarf Bamboo Slopes and Pine Forest – Don’t exclude the Brocolli Forest. haha

This  Hike would not be possible to happen without our Leader Daisy.  She was the heart and soul of our Group. I would like to thank you Leader for inviting us to climb Mt. Pulag together with the Mountain Project Crew – Doc Nino, Doc Erwin and Doctor Who.

meeting place

Si Leader po ung naka Black sa Most Left Girl ng Picture below. Nakaka-starstruck di ba?

meeting place at victory liner

8:15pm ng dumating ako sa may Victory Liner na Bus Station. Medyo napaaga ata ako. Natakot kasi ako kay keneth sa mga pagbabanta nya sa akin pag nalate daw ako. haha. Kelan pa ako nalate sa usapan? .

Pagkatapos ng ilang minuto na paghihintay sa Waiting Area ng Station, Nagkita-kita kami nila Keneth, Vanessa, Francis, Cobaru at Jheanesa para kumain ng Diner sa Mang Inasal. Masaya namin pinagsaluhan ang napakasarap na Unlimited Rice at Inihaw na Manok.

After namin kumain ay bumalik na kami sa Victory Liner Station para ma-meet ang mga nag-gagandahang at nag-gwagwapuhan naming makakasama sa adventure na ito.

Si Shen at Troy lang talaga ang Pamilyar Faces na namumukhaan ko noong Pre Climb Meeting. Believe me, Sobrang hirap talaga tandaan ng mga name nila. Siguro mga nasa 2nd day noong mga panahon na hindi na ko nagkakamaling banggitin ang kanilang mga pangalan.

Ito ang first time kong sumama sa Hiking na Hindi kami ang nag organize ngunit hindi nangangahulugan na hindi ako nag enjoy. Sa totoo nga, parang gusto ko yung mga gantong Climb para makakilala ng New Found Friends with the same interest in Mountaineering.

At exactly 10:00pm ay lumarga na ang Bus namin papuntang Baguio.

Medyo ngarag kami dito at naghahanap ng tamang puwesto para makatulog sa loob ng Bus. 5 hours din ang biyahe namin sa Bus kaya sayang kung hindi kami makaka-idlip. Baka bukas ay maghapon kaming tulog imbis na nag eenjoy sa anti-stress activitiy na ito.

Arrival at Baguio

Before we start our adventures, I would like to share some of my Preparations to Mt. Pulag Climb.

Must Have in Mt. Pulag (During Summer Season): 

  •  Thermal Jacket
  • Water resistant Jacket
  • Gloves and Bonet
  • Extra Socks
  • Slippers (Lightweight)
  • Rubber Shoes/Running Shoes
  • Sleeping Bag – 400 php at Ace Hardware
  • 2-3 Liters of water
  • Meals (dinner and Breakfast)
  • Trail Foods
  • Head Lamp with Extra Battery (146 php at Ace Hardware)
  • Tent
  • 2 or 3 set of Clothes
  • Camera (The most important Gadget you must bring)
  • Poncho or Rain Jacket (disposable)
  • Plastic Mug
  • Spoon
  • Mess Kit (Baunan)

Note: Mag extra Thermal Clothe na lang kayo pag January to February kayo umakyat sa Mt. Pulag dahil dito mararanasan ang extreme cold weather na umaabot daw ng 0 to 5 Degree Celsius.

DSCN3598

Dumating kami sa Baguio ng 4:00am ng Sabado. Medyo tumambay muna kami sa Station para hintayin ang inarkilang Jeep papuntang Mt. Pulag Jump Off Point.

At exactly quarter to 6:00 am ng umalis kami sa Baguio para umpisahan ang nakakapanabik naming Paglalakbay.

Habang umaandar ang aming Jeep ay nag Pray si Leader para sa safe trip at amazing experience namin para sa araw na ito. Nagpasalamat din kami sa maayos na Panahon dahil sa malamig at maaliwas na klima na dumadampi sa aming mga Pisngi.

Huminto rin kami sa kalagitnaan ng Daan para mag unat at sobrang blessed lang ng bigla kaming payagan ng driver na Umakyat sa taas ng Jeep habang umaandar ito.

Sobrang nakaka-adrenalin rush ang mga pangayari dahil sa Zig Zag na daanan ng Benguet Road na binabay-bay ng aming Jeep –  paminsan minsan ay para bang hinihila kami unti-unti sa bangin.

10690049_822534797783899_7669498269050035384_n

Pagkatapos ng 1 and a half hour na paglalakbay, Kami ay huminto sa KM296 kung saan matatagpuan ang sikat na kainan ni Jang Jang.

11147087_822535414450504_5691510784420671294_n

Dito kami nag umagahan. Medyo maraming parokyano ang lugar na ito kaya excited akong tikman ang kanilang Best Food na hinahain sa umagang iyon.

Jonat: Ate, Ang order ko po ung Best Seller Food nyo.

Ate Jang: Lahat naman po ng nanjan ay masarap

Jonat: eh kayo po, anong fave ulam nyo?

Ate Jang: Eto pong Tinola.

DSCN3652

At yun na nga ang kwento kung bakit namin naorder ang Best Tinola Ever in Benguet. Kakaiba din ang kanin nila, I don’t know kung bakit kulay violet ito p- ngayon lang ako nakatikim ng ganito kaya inenjoy ko ang bawat subo ng bawat butil ng Kanin na nakahain.

Pagkatapos namin kumain ay nagtungo kami sa Likod ng JangJang Eatery at namangha kami sa aming nakita. Huwaw, Nakakalag-lag panga ang sumilay sa amin na hanging Bridge.

Note: Load Capacity of the bridge – 10 person Only. No extra Activities and please guided accordingly.

DSCN3671

At dahil medyo patanghali na, sinundo na kami ni Sir Nino para lumarga papuntang DENR Office. Kailangan daw namin pumunta dun para sa Briefing before kami umakyat ng Pulag. Required daw lahat ng papasok sa bundok na umattend nito.

Habang nabyahe kami ay tila ba muling nabuhay ang mga kasama ko sa Jeep. Siguro nakapagrecharge na sila sa breakfast kanina. Dito na namin nakilala ang MMMEL.

Nag alok ng sobrang daming food sila Tita kaya di kami makatanggi na kumain at tumikim nito.

Tita Mona: Eto Kettle Corn. baka gusto nyong tumikim.

Keneth: Thank you Po.

Jonat: Keneth,  Saan Gawa ang Kettle Corn?

Keneth: Saan?

Jonat: Edi sa Corn. haha (epektiv naman dahil tumawa sila. Di ko rin alam kung bakit hindi alam ni keneth kung saan gawa ang kettle corn. Di ba Obvious naman? hahaha)

Tita Mona: Edi Wow.

Unti-unti namang nagiging magaan ang Air sa loob ng aming Jeep. haha marami ng nagbibiruan.

Ayon kala Tita Mona ay nagkakilala silang Lima sa pag Travel. Then unti unti ng lumawak ang group nila at pinangalanan nila ito with their Initials – Margaret, Mimi, Mona, Elizabeth at Lily. Oh di ba, May Effort? haha Lagot na naman ako kala Tita pag nabasa ito.

Jonat: Meron po ba kayong laheng intsik? kasi mukha po kayong mga Tsinay.

Tita Lily and Friends: YES, Ilonggong Tsinay kami.

Jonat: Since Birth po ba? haha

Tita Lily: Anong akala mo sa amin nag bago at nag transfusion ng dugo nong lumaki na? hahaha

Jonat: haha malay ko po, baka po nag mutate po kayo to being Tsinay noong mga bata po kayo.. Peace..

Sarap makipagbiruan kala tita. haha Ung tipong gusto na akong ihagis sa labas ng Jeep para mabawasan ang mga asungot.

 

Nagpakilala din ang group nila Leader –  Carlo, Ynah, Pao, Keneth at Troy. Magkakachurmate sila.

Syempre nagpakilala din ang Group ko, kaya lang nasa kabilang Jeep pala sila nakasakay. haha di ko rin alam kung bakit ako napunta dito.

Medyo nalungkot ako ng mga 5 seconds nong nalaman kong may BF na si Ynah. huhuhu. Pero okay lang kasama ko naman si Troy na magdalamhati.

11149276_10206633135771567_7342634754734581497_n

Halos 30 minutes pa ang naging byahe namin bago makarating sa DENR. Dahil sa traffic, napilitan kaming bumaba ng sasakyan.

This is IT. Unti unti ng napapalapit ang aming mga Paa para tumapak sa isa sa napaka gandang Bundok dito sa Pilipinas.

Kindly follow below reminders in Hiking Mt. Pulag:

DSCN3682

Nagulat kami sa dami ng tao na naabutan namin sa Registration Office.

Naghintay kami sa aming turn para sa Orientation – mga Panglima kami sa group.

Marami ka rin makikitang mga Tindang Mt. Pulag Souvenirs like T-shirt, Key Chain, Certificates and etc. Dito na rin kami bumili ng mga remembrance na damit para hindi  kami maubusan ng magagandang design.

I advice na magbaon kayo ng ID or Extra Pictures dahil sa Registration Office ay  makakakita ka ng mga Pictures ng mga Hikers na nagsurvive sa Mt. Pulag. Kaugalian na ata ng mga Mountaineers na mag iwan ng  tarpaulin, ID at Pictures sa Loob ng DENR Office.

Find my Photo there! and Please wag nyong tatakluban ng Picture nyo or itatapon sa basurahan. Sayang ang kagwapuhang iniwan ko doon. hahaha

DSCN3694

11:00am ng kami ay mag simulang pumasok para sa Briefing tungkol sa Guidelines ng Mt. Pulag.

Nanood kami ng Video kung saan nagsasaad ng mga Do’s and Dont in Hiking at mga Expectations sa Ambangeg at Akiki Trails.

 Ito ang ilan sa mga natatandaan ko:

  • Camp only in designated campsites and walk along the trails to avoid damaging the vegetation and loosening of soils
  • Do not Hunt animals or Collect Plants.
  • Pack your own trash or throw away to designated Pits. Leave no trace.
  • Respect the Culture of the Indigenous Communities – Ibaloi, kalanguya, kankana-eys and Karaos who with their rites and traditions regard the mountain as a sacred Place.

DSCN3706

After the Video Presentation ay nagsalita si Mam Mering, Dito nya denetalye lahat ng mga pinakita sa Video.

Unforgettable Reminders/Stories:

  • Mt. Pulag is literally means Kalbo in Tagalog.  – Ito raw ay dahil sa Grassland sa summit.
  • Magsuot ng Jacket dahil malamig daw sa taas ng Bundok.

Mering – Oh bakit ang saya saya mo? Sobrang lamig din ba sa taas?

Hiker1 – Opo Mam. Sobrang Tawa ko sa kasama namin dahil tumutulo na ang sipon nya hanggang pisngi pero hindi nya pa nararamdaman.

Note: Mt. Pulag has unpredictable weather so be prepared to different change of temperatures and equipped yourself with proper gear.

  •  Iwasan po natin ang mag ingay sa Campsite tuwing gabi. Dahil tuwing nag iingay ang mga Campers ay bigla-bigla na lang daw pumapangit ang weather sa taas ng Bundok. Ang sabi ng mga Tribo sa paligid ng Mt. Pulag –  Ang mga pumanaw nilang mga Kapamilya ay dumidireteso sa taas ng Bundok kaya pag na-disturb daw ang mga ito ay gumaganti sila sa pamamagitan ng malalakas na ulan.
  • Iwasan din ang maghugas gamit ang Soap ng malapit sa Water Reservoir  dahil connectado daw ito sa mga pagdaloy ng tubig sa ibaba ng Bundok na ginagamit na pangunahing inumin ng mga Komunidad ng mga Ibaloi.

Pagkatapos ng orientation ay dumiretso na kami papuntang Ranger Station. 45 minutes din ang naging biyahe namin.

Mas Hardcore lang dahil ang ilang part ng daaanan ay hindi sementado na nagbigay ng mausok at maalikabok na hangin. Maliit din ang kalsada kaya obligadong magbigay daan ang mga Jeep na sumasalubong.

DSCN3714

Binaba namin ang aming mga Bag at gamit para hintayin ang mga instruction ni Sir Nino. At dahil tanghali na, Ang iba sa amin ay kumain ng Lunch sa mga Karenderya.

DSCN4074

Marami namang makakainan at mabibilhan na Food sa Ranger Station. Meron din mga arkilahan ng Sleeping Bag (150php) at Bilihan ng mga Souvenirs.

Ang group namin ang hindi kumain sa karenderya at nagprepare na lang kami ng Lunch namin. Nag saing kami at nag init ng mga baon.

Sinundo kami ni Sir Nino para dalhin sa place kung saan kami pwede magtayo ng camp. Hindi kasi kami pinayagan ng DENR na mag tayo ng Camp sa Camp1 at Camp2 ng Mt. Pulag. Puno na raw ang reservation doon.

For everyone who will hike Mt. Pulag be sure to  get your reservation 2 months ahead of time. Mas masaya kung doon kayo mismo sa camping site dahil mas feel mo ang Nature of the Mountains.

Pero kahit sa Ranger Station lang kami pede Mag Camp, naging Meaningful at Happy ang mga nangyari. Sabi nga God always put you into the position where it will  suit you. Just be Contented and have faith with His Plans.

11079450_933359533376117_8230898605479616778_n

Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung marunong talagang mag tayo ng Tent ang tatlong ito – Pao, Yna at Shen. hahaha Tulong tulong kami nag prepare para sa aming Camping Site.

Ang ilan sa amin ay natulog sa loob ng Tent. Medyo Puyat at tagtag talaga kami sa Biyahe.

Kami naman nila Bunny, Eboy at Allan ay  tumambay muna sa gilid ng Ranger Station at bumili ng Carrot Ice Candy.

Guys, Try nyo ito, ang sarap – Para bang tinanggal nito ang ilan sa aming pagod noong tanghaling yon.

DSCN3763

Masaya kaming nagluto – nag-saing ang Group namin at sila Sir Nino  naman ay naglabas ng malulupet na Utensil nila sa Pagluluto.

We would like to thank Sir Nino, Sir Erwin and Doctor Who (Ary) for letting us used  some of their Cooking Utensil. We appreciate all of your support. Thanks Much.

Masaya namin pinagsaluhan ang Adobo, Hotdog at Longganisa na dala nila Cobaru and Jheanesa.

Pagkatapos kumain ay nakipagbiruan ako kay Marvie – Bagong Chicks este Bagong kilala dahil sa kabilang Jeep siya nakasakay.

Si Marvie nga pala ang Pangarap na Pagmamahal ni Francis. haha. Mahilig mag travel si Marvie kaya nagshare siya ng malulupet nyang mga Paglalakbay. Sa sobrang Dami ay ilan lang ang natandaan ko like Siquijor, Calaguas at Mt. Pinatubo.

Marvie invite mo naman kami sa mga Future Gala mo. Super Advance Thanks.

DSCN3767

Xempre tuloy lang ang Saya at Picturan.

DSCN3775

Pagkatapos magpahinga ay nagyaya si Pao na pumunta sa Secret Place. I mean, mag gala sa medyo dulo ng camping area.

Gusto kasi namin masilayan ang ibat ibang mga  perspective ng Lugar – kaya excited kaming nagtungo sa kung saan man kami dalhin ng aming mga Paa.

DSCN3797

Maraming mga Vegetation sa gilid ng Camping Site. Para daw kaming nasa La Presa. Aba kung tutuusin, mas di hamak na maganda ang view dito. Diba? Diba?

Nagkaroon din kami ng maraming Jump Shot sa Gilid ng mga Bangin ng La Presa de Pulag. Sobrang hirap tumalon at kumuwa ng Timing para sa Best Jump Shot Ever ng Trip.

Ito na raw ang Jump Shot Practice namin para sa Mt. Pulag Summit.

DSCN3820

Ang saya talaga ng Bonding Moments na ito kahit hindi kami makatalon ng ayos ni Ynah. haha Damay Damay lang. Alangan umamin ako na ako lang ang dahilan kung bakit wala kaming maayos na jumpshot.

Tingnan nyo din kami kung paano namin lubos na pinag-aaralan ang bawat shot na ginagawa namin. We have Professional Photographers like Tita Mimi at Tita Lily to guide every inch of our Jumps.

11146212_10204230044020359_946147882678045331_n

Shen: Guys, May plano akong Posing, Jonathan umupo ka tapos Pao tumagilid ka. Ayan Ayan Ang ganda Wait, Yna konting Gilid pa. Bunny hindi ka kita. Francis konting kanan pa. Okay Guys. Steady lang.

11100779_10204230048700476_1019739713777518840_n

Kudos kay Shen. Sobrang Ganda ng Kuwa namin dito. Thanks Shen, kahit alam kong gusto mong sumama pero hindi ka namin pinayagan na mag take two. hahaha

Bumalik din kami agad sa Camp Site  ngunit may naiiwan pala sa amin – Ang mga late talaga ay naiiwan sa magagandang photo shoot.

Para bumawi kay Marvie ay nagphoto shoot din kami. Xempre hindi papayag si Francis na di kasama si Marvie sa mga Kilig to the Bones Photos of the Day.

DSCN3834

Around 5:00pm ng bumalik kami sa Camping Site. Isang oras din kaming nag liwaliw.

Nakakawala ng Pagod makipagbonding sa mga Bagong Friends. Astig Kayo Guys!

Nag start na rin magluto ang Mountain Project Crew ng Diner.

DSCN3840

Ang iba sa amin ay naligo muna para marefresh ang aming mga Pakiramdam.

Medyo malamig na rin noong hapon kaya nagdadalwang isip ako kung sasabak ba ako sa paliligo. Pero dahil wala na akong choice at malagkit na rin ang aking katawan – naligo na ako at nag Ice Bucket Challenge. May available naman na Hot Water na pede mong ipaligo sa halagang 50php.

Donations lang naman ang Bayad sa pag gamit ng Banyo kaya Okay lang kahit anong halaga ang  ibigay mo. Hindi rin sila madamot sa Tubig dahil Libre at galing naman ito sa Bukal.

Sobrang natouch ako sa mga Local Community malapit sa Ranger Station. Naghahanap kasi ako kung saan pedeng maghugas at magsaing ng Bigas at laking gulat ko ng paunlakan ako ng mga residente na gumamit ng kanilang Kusina. Thanks Po!  Kahit nahihiya ako ay kinapalan ko na rin ang mukha ko, Blessing ito at feeling ko sinugo sila ni God para ma-appreciate ko kung paano tumanggap ng  tao at bagay-bagay ng bukal sa Puso.

Bago mag takip silim, nakausap ko si Pao na nagpabago ng Hope ko noong gabi.

Jonat: Pao, ang laki ng Jacket mo ahh.

Pao: Sa Boyfriend ko to. hehe

At dun na nawasak ang Puso ko for the 2nd time around. Pumunta ako sa gilid ng Tent at lumuha ng mga 10 Seconds.

11046224_10205366026529102_2642451565714964495_n

Pagkatapos ng Diner ay nagkaroon ng Konting Socialize with the Group’s member. May nag inuman sa loob ng Tent at masayang nagbibiruan.

Ang grupo naman nila Leader Daisy ay nagluto ng kanilang breakfast. Maaga kasi ang time ng  Gising at departure namin sa Camping Site para maabutan ang pinagmamalaking Sunrise ng Mt. Pulag.

Ang Grupo ko naman ay maagang nag ayos at natulog para makapagpahinga sa Gabi. Unti-unting Lumamig ang Klima, Umambon, at napuno ng makapal na Fog ang buong kapaligiran.

Pumikit kami at napray para sa magandang Weather mamayang madaling araw upang umpisahan ang pag-ascend namin going to the Summit.

Thanks po Lord for a Wonderful and Safe Trip we had today and hoping for Your warm guidance tomorrow.

DSCN3853

 

My Outfit:

3 Layer Garments (T-shirt, Long Sleeve at Jacket)

1 Rain Coat (para sa hamog at ambon noong gabi)

Hiking Shoes

Bonet, Gloves(optional)

1 Hiking Pants

 

12:30 am ng mag start kami maglakad papunta sa tuktok ng Mt. Pulag! Here we Come.

First time ko mag night trek at talagang medyo nakakapanibago dahil mismong pathway lang ang makikita mo. Wala ka rin makita sa kapaligiran sapagkat madilim at walang mga Ilaw na gagabay sayo.

Malaki rin ang pasasalamat namin ng tumila ang ambon nong kami ay nagstart na magtrekking. Hindi naman mahirap ang mga trails. Sadyang mahaba lang talaga ang lakarin. Masaya kaming humakbang habang kumakanta sila Tita Mona.

2 hours  din ang ginugul namin para marating ang Camp1. Hindi pa gising ang mga Campers kaya tahimik kami nagpahinga. Hinintay din namin ang ilan naming mga Friends na naiwan sa paglalakad.

Pagkatapos mag recharge gamit ang mga Jelly Ace at Chocolates, Nagpatuloy kami sa paglalakbay. Medyo napahiwalay na kami sa aming mga kasama dahil sobrang bilis nila maglakad. Mahirap talaga pag sa mga Bata ka nakipagsabayan.

1 hour pa ang nilakad namin para marating ang Camp 2. At exactly 4pm ay nag arrived kami dito.

DSCN3865

Naghintayan ulit kami dito para kumpletuhin ang aming grupo. mahirap pag may naiiwan sa amin. baka sa ibang tuktok sila makarating.

Habang naghihintay kami ay tumabi ako kay Pao at nacurious ako kung sinong kinakausap nya –  kami lang naman dalawa ang andun. At  dun nya na pinakilala ang matalik nyang kaibigan na si Brownie. haha Siya na talaga nagpangalan dun sa Cute Dog.

Dumako din ako kala Keneth, Eboy at Allan, nakipagbiruan kami kala Ynah at Marvie.

Jonat: Ynah, May Chocolate ako, Gusto mo?  pero don’t judge me.

Ynah: Sige penge ako.

Jonat: Eto ohh Flat tops. hahaha

Ynah: Huwaw ang Sarap naman nan. Thanks.

Bunny: Eto po Meiji Chocolates baka gusto nyo din po.

Jonat: Naku Bunny, tinalbugan mo agad ung Flat Tops ko. di mo man lang pinatagal sa bibig nila. haha

Bigla namang dumukot sa Bulsa si Eboy.

Eboy: Guys eto pa Marshmallow.

Ynah: haha Huwaw eto na ang Best.  (At sabay Apir)

The bottomline ay mukhang marshamallow na si Ynah pagkatapos nyang kumain ng maraming Sweets. hahaha peace.

Around quarter to 4:30am ng nagsimula kaming maglakad papuntang Peak 3 ng Mt. Pulag. Doon lang kasi kami pinayagan ng guide namin para hintayin ang sunrise. Gusto rin siguro ng guide namin ng mas comfortable at hindi sisikan ang place na pag-stay namin para mafeel talaga ang nakaka-antig na pag sikat ng araw.

Halos gabi pa nong dumating kami sa Peak 3, mga  5:00 am kaya humiga muna kami sa damuhan para mag Star Gazing. Unsung Moments ito sa Mt. Pulag dahil puro Sea of Clouds lang ang laging sinasabing maganda. Siguro hindi sila humiga at tumingin sa mga Stars Above. Believe me there’s a Magic within those Beautiful Lights Above Us!

Habang unti-unting lumiliwanag ang mga ulap ay sinalubung namin ito ng Picturan Grande. haha Sayang kasi ang napaka-gaandang View na unti-unting nag unfold sa aming mga harapan. Wow!

20150412_051043

20150412_051119

11138606_10206634919456158_8261236330559178378_n

11133780_10206634943176751_1943998876136182922_n

11057215_10152940207479081_8927407364544883988_n

11182357_10152958378554081_5773611382598367686_n

11170353_10152958396079081_4632335867229376657_n

Hindi namin nakasama sila Cobaru, Jhanesa at ang mahal kung Camera sa napaka gandang Scenery na ito. Hindi kasi sila huminto at nagpatuloy papuntang Summit.

Buti na lang talaga kinupkup kami ni Eboy (Samsung Master)  at Allan (Go Pro Master) para kumuwa ng napaka gandang mga Shots na babaunin namin sa Trip na ito.

Untitled-1

Jump Shot Pa More and Anything Under the Beautiful Sunrise:

This slideshow requires JavaScript.

Akala ko talaga ang Sunrise ang pinaka magandang makikita mo sa Taas. But when I look around me, All of us were Smiling. And Those were Priceless.

DSCN3952

Parang nag radiate ang Ganda ng Bukang Liwayway sa kanilang mga Mukha. I couldn’t ask for more. I was so stunned  to all of their Smiles and Laughter while taking pictures and Looking to the Magnificent Sunrise of Mt. Pulag.

Thank you Lord for letting us see this Dazzling Scenery. This is indeed a  beautiful little gift to Tita Lily, Tita Mona, Tita Elizabeth, Tita Margareth and Tita Mimi. Through all of their years, they really deserved to witnessed this One Amazing Sunrise of Mt. Pulag.

This slideshow requires JavaScript.

Pagkatapos sumikat ang Haring Araw noong umaga, kami ay nagtungo na sa Summit ng Mt. Pulag. Halos 30 Minutes ulit ang nilakad namin. Medyo pagod na kami pero kapag tumitingin kami sa paligid namin ay bigla-bigla na lang nawawala ang Stress at kung ano pa mang nagbibigay ng reason para tumigil.

DSCN3968

Syempre pagdating namin sa Summit ay dumiretso agad kami kung saan andun ang Signage na Evidence mo for Conquering Mt. Pulag.

We were the Mountain Project Crew and We were bonded by the Clouds behind our Backs. Thanks ulit for making this Climb Unforgettable..

17663_10152940194619081_3136901169356365175_n

Syempre todo Picturan na kami sa Taas. Kanya kanyang hanap ng Puwesto to capture great photography.

11150482_10152958401899081_2965177529056183304_n

11118377_10152958402964081_4294272546692346234_n

11150816_10205569895799334_395837794638689528_n

DSCN3994

DSCN4028

For Once, We felt how to be part of the Dwarf Bamboos here in the slope of Mt. Pulag.

DSCN3989

While I was looking at the Sea of Clouds, I was seeing the future me having more and more  Legendary Adventures.

I would write all of those memories and 50 years from now, I would tell all those stories to my Wife (you know who you are), Son and Daughter. and That’s my Big Dream – Yet so simple.

11133796_10205366054609804_1344672535625616519_n

Bumaba na rin kami noong naramdaman namin ang mataas na sikat ng araw, 8:15am ng magstart kami mag descend from the summit of Pulag.

We really enjoyed all of its view.

Ngayon ko lang din na-appreciate ang Ganda ng Mt Pulag – Nag-simulang mag unfold ang magagandag CampSite at Trails nito.

Pulag Summit:

11140225_933943476651056_1650456829080156491_n

Camp2 Site:

DSCN4038

Beautiful Forest Trails of Pulag:

DSCN4046

Medyo malayo pala ang nilakad namin. Hindi kasi ramdam noong Gabi dahil sa Lamig at Dilim ng Sight. Dito na namin naramdaman ang Pagod. Sumabay pa ang pabago bagong Klima ng Bundok. May ilang part ng lugar na malamig, may sobrang init, may ambon ng konti at mataas ang humid.

Talagang sumakit ang ulo namin at nagpahinga kami para makarecover sa thermal shock.

DSCN4068

Ngayon ko lang din napansin ang magagandang halaman at bulaklak na makikita sa mga daanan. Hindi ko nasilayan ito noong Gabi kaya sobrang nakakamangha ang Ganda nila.

Nadaanan din namin ang ilang water reservoir ng Bundok. Dito kami nagrefill ng aming tubig para baunin sa aming pagbaba.

Huwag kayo matakot uminom dahil safe naman ito. Kami ang nabubuhay na patunay.

DSCN4058

Halos 4 hours din ang ginugul namin sa pag baba at patuloy pa rin ang pagsalubong ng magagandang Views ng Bundok.

11130224_10205366606103591_8683629773451051665_n

Pag kadating namin sa camp ay nagprepare agad kami ng lunch at nagpahinga.

Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko noong tanghali. Di ko rin talaga alam kung bakit sobrang sumakit ang ulo ko at hindi makapagfocus ng ayos. Hayz. Feeling ko talaga mag collapse ako ng mga 20 seconds. Lahat na ata ng mga kasama ko ay nasa Jeep na tapos hindi ko pa alam kung paano ako makakausad sa upuan. Then suddenly nakita ko si Pao at si Shen – Minsan pag nakakakita ka ng mgagandang Face parang gumagaan ang pakiramdam mo. hahaha joke lang.

Pao/Shen – Okay ka lang? ang lungkot mo ahh.

Jonat – Oks lang. medyo masakit ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko.

Shen – Meron akong biogesic, Tara na sa Jeep.

Jonat- Shen, may problema hindi ako nakakainom ng tablet ng Biogesic. hehe

Sumunod na rin agad ako kala Pao papuntang Jeep at binigyan nila ako ng Biogesic.

2pm ng nagstart kami magbyahe papuntang Baguio. Bago kami mag start ng paglalakbay pauwi, nag lead si Shen ng nakaka-antig na prayer.

Shen: Lord, Maraming maraming salamat po sa napakagandang Experience na ito. Salamat po sa safe na Pag akyat at Pag baba namin sa Bundok. Maraming salamat din po sa nabuong Friendship namin at tinetreasure po talaga namin ang lahat ng masasayang mga pangyayari na aming pinagsaluhan sa trip na ito. Ipinagdadasal din po namin ang pag galing ni Jonathan, sana po  ay mawala po ang sakit ng ulo at masamang pakiramdam nya. Bigyan mo rin po siya ng agarang lakas Panginoon sa mabilis nyang pag galing. Thank you din po at nakasama namin sila Tita Mona, Tita Lily, Tita Margareth at Tita Elizabeth at Tita Mimi. Panginoon, talaga pong Age is just a Number. at sana po bigyan nyo po sila ng mas mahabang life at Good Health po Panginoon. Ipinagdadasal din po namin ang aming family na sumusuporta at naghihintay sa amin galing sa trip na ito. We prayed it all to you Lord Through Christ. Amen.

Maraming Salamat din po Sir carlo sa pag alalay nong masakit ung ulo ko at hindi ko alam kung saan ako babaling ng idlip sa Jeep dahil sa Letter Z na daanan ng Benguet Road.

I do believed that Prayers can Heal –  just put yourself into the Hands of the Lord. For Sure, He will take a good care of your wounds and worries.

Thanks Shen, for your prayers.

 

Before kami tumuloy sa Baguio City ay nagkaroon muna kami ng mga Stop Overs.

Badekbek Sulfur Springs
Daclan, Bokod, Benguet

Konting ingat lang sa pagbisita sa lugar na ito dahil sa Boiling Sulfur na bumbulwak sa Lupa. Keep in distance din dahil minsan ay may tumatalsik na debry that may cause skin burn.

Theory of Leader Daisy, Ynah at Pao – Nakakaganda raw ang usok ng Sulfur. Pero may Consequence, dahil mag aamoy bulok na itlog ka naman pag katapos ng Treatment.

11129146_10152940195034081_320765235879495057_n

Ambuklao Dam
Ambuklao, Bokod, Benguet

Napaka Serene ng Place na ito. Gusto ko pa sana magtagal at mag muni-muni sa lugar na ito dahil sa napaka aliwalas na View ng Mountains and Lake with the reflection of the Blue Sky of Benguet. Feeling Romantiko talaga kung kasama mo pa ang iyong Love Ones habang nakasakay sa mga Bangkang bumabaybay sa Ambuklao Dam.

11156126_10152940195474081_6323925755969827328_n

 

Other Destinations Near Mt. Pulag:

Bajungbong Falls
Karaw, Bokod, Benguet

 

5:00pm ng makarating kami sa Baguio. 11:45pm pa ang alloted departure namin sa Victory Liner kaya nagkaroon kami ng time para makapamili ng Pasalubong at makagala sa Main Street ng Baguio.

We wrapped up this adventure with the Simple Dinner in Baguio City.

I would like to thank again and again Sir Nino for a well organize planned Climb. Although there’s a little bit of a changed in our itinerary. But no worries because we really did enjoy this trip.

If I would have time next year, I really wanted to join again to Mountain Project Trips. For me, Doc Nino, Doc Erwin and Doctor Who were my Mountaineering Mentors. Keep it Up Guys! Hope to see you again on the Mountain Trails.

Troy, Ynah, Pao, Shen, Tita Mona, Tita Lily, Tita Margareth, Tita Elizabeth, Tita Mimi, Francis, Vanessa, Jheanesa, Cobaru, Leader Daisy, Carlo,Marvie, Big Mama – See you!

Hindi ka kasali keneth! hahaha peace

Quotes to Fonder:

“And above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who dont believe in magic will never find it…” – Pao Hidalgo

Indescribable.. Uncontainable.. You are amazing God.. This is a Dream Come True to me… – Pao Hidalgo

This trip is all from you…my awesome God. I’ve learned and realize that you have given us all what we need, your creation is so perfect in many ways. You have given us this kind of place, for in my eyes it is so amazing! What more when we enter your promise land? You have touch my heart once again, remind me of your great love! You are indeed our AMAZING GOD! – Shen Palillo

Bawal ang canned goods sa bundok… Totoong pagkain dapat… Walang instant… – Doc Nino

There’s no perfect itinerary but each of you contributed something that makes our itinerary almost perfect and memorable.. – Doc Nino

The view was breathtaking. How can you be higher than the clouds? But yes, it’s real! I love every single bit of you, Mt Pulag. I’m definitely going back. – Eboy Romero

Standing loud and proud at the freezing peak of Mt Pulag with temperature of about 10°. This magnificent mountain stands about 2,922 MASL (metres above sea level) and is the 3rd highest peak in the Philippines. Mountaineers wait for sunrise to witness the awesome sea of clouds which is best captured when at peak 3. – Eboy Romero

Reaching the summit, night trekking, super lamig, heights, grabe. Sayaaaa! – Jheanesa Arcasitas

THANKS a lots po!!!For my bag at jackets sponsors for this unforgettable climb …. also for the Heaven’s guidance for our safety…for the new circle of friends ; ‘da spice girls hus inspired us dat ‘age’ is just a ‘number’  , sir eboy ‘da motivator, sir allan our GoPro master/my seatmate, miss ina, miss marby, bebe ni cobaru, miss daisy, sir kenneth, sir troy and a lot more and most especially for the 2 top men behind (Beybi Nate and Sir Onin) who’ve made this adventure possible… – Vanessa Manalo

As the saying goes: “Every mountain top is within reach if you keep climbing.” And when the sun is shining, we can do anything, no mountains are too high, no troubles are too big, nor too difficult to overcome. With all these in mind, five courageous middle aged women embarked on a journey of their lifetime to challenge themselves to climb the 3rd highest mountain that stands 2922 meters above the sea level, MOUNT PULAG. It is one of the most famous mountain and worth climbing for because of its natural beauty and the wonder of its SEA OF CLOUDS that you can witness once you reaches the summit. Once and for all, Margaret, Elizabeth, Mimi Mona and I joined the grueling 5 hours climb from the ranger station to the summit, and another 5 hours descend back to the station. For me, it was fulfilling, but this will be my last. At my age, i realized i may have the spirit to climb, but i don’t have enough energy anymore to make it. Thanks God, we made it!!!!!! – Lily Wong 

Travel Budget and Itinerary:


 

1398596_10151778149944081_796300655_o

Category: Moderate Climb via Ambangeg Trail
(No Mountaineering skills required)

ITINERARY

Day 0 (April 10, 2015 Friday)

2100 Assembly time at Victory Bus Station Cubao (Baguio bound)
2200 Take bus to Baguio City

Day 1 (April 11, 2015 Saturday)

0500 ETA Baguio City. Breakfast then proceed to jeepney terminal/chartered jeep.
0700 Take chartered jeepney to Ambangeg.
1000 ETA Visitors’ Center. Registration / Orientation
1130 Set out for Ranger Station
1230 ETA and lunch at Ranger.
1300 Start trek
1430 ETA Camp 1
1600 ETA Camp 2. Set up camp; optional summit assault.
1800 Dinner at campsite/socials

Day 2 (April 12, 2015 Sunday)

0430 Early morning trek to summit for sunrise
0545 Arrival at summit just in time for sunrise
0700 Start descent from summit
0800 Back at Camp 2; heavy breakfast
0900 Decamp; start descent to Ranger Station
1130 Back at Ranger; Settle guide fees; jeepney descent
1230 Back at Visitors’ Center; tidy up and log out
1400 Head back to Baguio City
1700 ETA Baguio City. Dinner, Ukay Ukay and Pasalubong
2100 Head back to Manila

COST

PACKAGE A PHP 3,700.00 per head.

Climb Fee is subject to change. (i.e.fare hikes and other fees)

Inclusions:
Transpo: Manila-Baguio-Pulag V.V. on Victory Liner/Monster Jeep
Guide and Registration Fees
Day 1 Dinner
Day 2 Breakfast and Lunch
Group Gears (Stove, Cookset, Tent)
First Aid Kit (except personal meds)

Note: We will be the one to carry and pitch the tents for Package A participants.

PACKAGE B PHP 2,800.00 per head.

Climb Fee is subject to change. (i.e.fare hikes and other fees)

Inclusions:
Transpo: Manila-Baguio-Pulag V.V. on Victory Liner/Monster Jeep
Guide and Registration Fees
First Aid Kit (except personal meds)

Exclusions:
Baguio R&R (Dinner, Drinks and Pasalubong Shopping)
Personal Gears (Sleeping Bag and Pad, Head Lamp)
Personal Meds
Re-usable Eating Utensils (Lock and Lock/Plates and Spoon)
Porter

For inquiries please do text or call:

Mountain Project/Niño “Doc Onin” Coliamco

Sun – 09334515668

 

Change Point: We only set our camp at ranger station due to crowded Hikers at Camp1 and Camp2 Area. We did our early morning trek to summit for Sunrise around 12:30am to compensate with 5 hours trekking to the Peak of Mt. Pulag.

 


Do-it-yourself-Mt-Pulag Adventure:

Total Quantity: 15 to 20 people

Bus from Cubao to Baguio  (Victory Liner) – 445php / person*one way

Jeep Rent – 8500 to 10, 000 * depends on negotiations

Tour Guide Fee – 2400 php *include 2 Guides

Contact Person to Arrange your Jeep and  Guides:

Jerry Pulag – 09262570233

 

For Reservation in Camping for Mt. Pulag:

Roy Pulag – 09291668864

Note: Please make an Early Reservation

DSCN3708

Advertisements

4 thoughts on “Mt. Pulag and the Majestic Sea of Clouds

  1. I came across your blog thru a friend, Doc Onin, who was tagged in FB. Thanks for sharing your recent trip to Pulag. I’ve been there back in 2005 and 2006 via akiki-ambangeg and ambangeg-ambangeg. Ang ganda ganda nga talaga ng Pulag kahit anong trail pa ang daanan at kahit saang parte pa. 🙂 Salamat sa blogpost mo and I got to relive some of those memories. Nakakagulat din malaman how commercialized it has become. Walang binebentang souvenirs noon. Walang carinderia, sleeping bag for rent at hot water for sale noon sa ranger station. That may be good for the locals naman nga siguro. Pero ang nakakalungkot para sa akin (and I must say with my fellow mountaineers na kasabayan ko noon) ay ang mga tarpaulin at IDs na iniiwan.

    Next time, huwag na po gumaya sa mga naunang nag iwan ng “remembrance.” Huwag na dagdagan ang basura sa bundok.

    Leave no trace.
    Take nothing but pictures.
    Leave NOTHING but footprints.
    Kill nothing but time.

    Salamat. 🙂

    Liked by 1 person

    • Thank you po.. naku, akala ko po kasi ung mga ID ay Okay lang po sa DENR. hehe di pala. Maganda pong proposal yan mam, lalo na ung mga tarpaulin na iniiwan dun sa office. Sana po, makita ko rin po kayo sa mountain trails.. Thanks..

      Like

  2. tamangtrip says:

    Very nice pictures.
    Hope to join on your hike soon.
    Congrats for reaching the 2nd highest peak.

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s