Magdalena White Water Rafting | Dalitiwan Resort Adventure

cover2

This adventure was beyond my Expectations.

Michael Invited me two weeks before this awesome weekend Gala. This was a little bit New for me because it was my first time to ride a Raft and shoot to the whitewater’s Rapid.

I felt incredibly fearless when I conquered those killer Rapids,  Heart Breaking Jumps to the cliffs and Extreme Water Tubing.

DSCN4230

2pm ng mameet ko sila Michael sa HM Transit Bus Stop sa Sta. Cruz Laguna. At laking gulat ko ng bigla kong makita si Mina. Sinundot ko siya ng tatlong beses  sa may braso, baka kasi namamalikmata lang ako at isa lang itong magandang panaginip. Pero Tunay ang lahat ng nangyayari. Ako’y nasurprise.

Sumakay din agad kami ng Jeep papuntang Magdalena at very thankful lang ng nagkasya kami sa Jeep (kahit Pilit). Late na rin kami sa schedule na pinareserved ni Michael para sa Rafting Adventure. 2pm kasi ang dapat na start ng aming Orientation pero sa hindi inaasahang pangyayari ay medyo nalate kami ng 30 minutes sa napag usapang oras.

2:30pm na rin nong dumating kami sa Magdalena at Sobrang ginulat kami sa ganda ng Magdalena Plaza lalo na nung napaka gandang St. Mary Magdalene Parish Church.

DSCN4214

Hinintay namin ang River Rafter’s crew sa may plaza. At noong dumating na sila kuya Lady at Pong ay dumiretso na rin kami sa kanilang Headquarters kung saan gaganapin ang orientations.

Maliit lang ang Office nila. Para ngang bahay lang eh – kita mo na mga mismong residente lang din talaga ang nag provide ng Gamit at nag organize para sa Bagong Tourismong ito sa Laguna.

Good Job Guys!

DSCN4234

Habang hinihintay namin mag start ang Orientation, Kami ay nagpalit ng damit para sa nalalapit na pagsagupa sa rumaragasang tubig ng Ilog.

Iniwan din namin ang ilang gamit sa kwarto na pinahiram nila  katulad ng Cellphone, damit pamalit at  camera. Safe naman iwanan ang ilang personal belongings nyo sa kanila.

DSCN4235Nagsimula na ang orientation at pinanood sa amin ang ilang videos ng mga grupo during their Whitewater Rafting Experience. Nakaka inpired tingnan ang kanilang Amazing Videos kung saan pinakita ang ibat ibang expectation mo sa Rafting at Water Tubing.

Lahat kami ay naexcite na may halong takot noong makita namin ang pagtalon nila sa 22 ft Cliff sa may Dam. Scary talaga ang feelings habang sila ay nagseselfie sa kanilang bawat pag talon sa river.

Isa lang ang nasabi ko – I can do this, kung tatalon din sila! hahaha

 

 Pinaliwanag din ang mga Do’s and Don’t while riding the Raft:

1. No Horse Playing

2. Keep your one foot secured in the raft

3. Follow the instructions of your Guide. Listen and Trust them.

4. In case of sudden fall on the Raft, Don’t try to fight the rapids. Go with the Flow and always put your heads Up and Relax your lower Body.

 

Ate1: 7 tao pa lang ang nahuhulog sa raft noong kami ay mag simula. at this year ay isa pa lang po ang huling nahulog noong April.

Jonat: Mam, Pano po pag nahulog kayo? iiwanan na ba kayo dun?

Ate1: Abay Oo, bukas na namin kayo babalikan doon.

Ivan: Jonats ikaw na lang ang gawin nating Alay. haha

 

Kababait talaga ng mga kasama ko. Pero feeling ko talaga that time ay may isa sa aming mahuhulog during Rafting. hehe Sino kaya Yun? peace.

 

Ate1: Aabutin ng 1 and half hour ang Tour. Makinig lang po kayo sa ating Guide para po sa safety niyo. Meron din po kaming mga artistahing Guide na ma-meet nyo  like Enchong Gee at John Loyd -Endangered Species ng Magdelana Rafters

11110972_848057055263274_3276519951541166925_n

Pagkatapos ng Orientation, kami ay sumakay ng Jeep para pumunta sa Start ng aming Rafting.

Halos 20 minutes din ang naging biyahe namin papunta doon. Excited kaming nagtravel habang sinasabihan ako ni Mina na ang “Bright” ko daw. Thanks Mina!

DSCN4237

Nang marating namin ang Place to Be, binaba namin ang mga Raft at inihanda ito malapit sa may River. Nagsuot kami ng Life Vest at Helmet for Safety Purposes.

Pero dahil excited kami sa Picturan, sinimulan agad namin ito ng matitinding Harry Potter’s Jump Shot.

11412154_10204120323717300_8358260088546571400_n

At sa wakas, nag simula na rin ang bagong Chapter ng Buhay namin sa Ilog!

Sobrang saya mag sagwan at magpa-anod sa malalakas na Rapids of Balanac River.

11406912_10204120244355316_8537928264918762840_n

7 Kilometer River Rafting Experience ang nag aabang sayo at aabutin ka ng 1.5 to 2 hours para matapos ang Whole Course ng River.

Hindi na namin alintana ang oras. Sabi nga, When an Adventure is closer to Natures, the Time Stop for a while.

We really had a great time Paddling through the Rapids. There were times that we bumped into the rocks that made our Rafting experience more thrilling.

11098285_10204120256715625_7967440310400217685_n

Nakakita rin kami ng ilang mga Kawayanan sa gilid ng ilog.

Jonat: Kuya, para saan po yung mga kawayan na nakalagay jan sa may gilid?

Lady: Ginamit po yan pang huli ng Isda. Minsan po nakakahuli kami ng Tilapia at ilang maliliit na Isda.

Jonat: Eh ung malalaking, kawayan po, pang isda rin po ba yan?

Pong: Naku, pang huli yan ng Buwaya.

Jonat: Seryoso po? (sabay alis ng nakalawit kong paa sa River)

Pong: haha Joke lang. Pang isda rin yan. Wala naman Buwaya na makikita dito sa ilog. peace

Putik, pinakaba nila ako doon.

Napadaan din kami sa Little Palawaan. Binansagan nila ito dahil kahawig ng Rock Formation nito ang ilang Views ng Coron.

11200905_856702074398772_7614220761684816189_n

Nag karoon din kami ng Race at talagang seryoso kaming nagpaunahan para lang makalamang sa distansiya.

Mero: haha Yes tayo na ang nauuna. Tingnan mo sila, ang bigat kasi nila eh.

Jonat: Patas lang naman. May Mero naman tayo. haha Peace

Muntik na talaga akong ihulog ni mero sa bangka that time. haha

 

Nakadaan din kami sa isang Bridge. Sabi ng aming Guide, dati raw ay nagbaba daw sila doon para magpapicture sa taas ng Tulay. Ngunit sa kasamaang palad ay nasira na ito ng Bagyo noong nakaraang taon.

Nawa’y maibalik ang dating Ganda ng Tulay na ito – For the tourism and For The Locals of Magdalena.

 

Jonat: Saan po papunta yung dulo nong Tulay.

Pong: Sa kabilang Dulo. (Medyo naasar ako dine, badtrip haha)

Claris: Ang Bright mo talaga Jonathan. haha

Jonat: Nyek, Parang Nasira na talaga ng Bagyo. Sayang naman.

Lady: Ibalot na yan.

Jonat: huh bakit po?

Lady: Sabi mo Sayang. kaya Ibalot na yan sa Plastic. ahahaha.

Mina: Ang Bright. Gusto ko yan.

 

Pagkatapos ng isang oras ng pag paddle forward and backward at mag Spin through the Rapids, kami ay huminto sa isang Jumping Spot ng Ilog (12 ft ang taas nito) at nag simula nitong hamunin ang Guts namin noong hapon.

Lahat kabado. Lahat excited. Lahat Gustong Tumalon. Ngunit walang gustong Mauna. hahaha

We tried to conquer our Fear of Heights. We did jump no matter what happen.

11406777_10204120271355991_3786996671219895241_n

Akala namin doon lang kami masusubukan, Pero may naghihintay pa palang Obstacle para malagpasan namin ang Trip na ito. At ito ang 22 ft. Cliff Jumping in the Dam.

Sobrang nakaka adrenalin rush ang mga pangyayari. Walang may gustong maunang sumubok dahil lahat kami ay first time gagawin ang  ganitong buwis buhay Stunts na sa mga pelikula lang napapanood.

11205068_848057235263256_175485898222468552_n

Unfortunately, ako ang napagdesisyunan na Mauna. Di ko alam kung bakit pero kapangyarihan ata ito ng Public Voting. Wala akong choice. I was Bullied. haha

Tumingin ako sa ibaba at talagang sobrang taas nya. Hindi ako marunong maglangoy. Wah, Pano na ang mga Pangarap ko. Pano na ang Pag ibig ko. Tumingin ako kay Mina para humogot ng Inspirasyon – at sabay talon. Bahala na! I would not miss this chance to unleash the beast inside of me. Wahhh – Sigaw!

This slideshow requires JavaScript.

Then sunod-sunod na rin silang tumalon. Halos lahat na ata kami ay nasa ibaba na ng river at tanging si Mero at Claris na lang ang naiwan sa itaas.

11391520_848057558596557_9055642726435918563_n

Lahat na din ng mga encouragement ginawa namin to make them Jumped.

Jonat: kaya mo yan Mero at Claris. First Step lang yan sa pag Move On!

Mina: Talon na Mero, Claris. Hindi nakakatakot pramis.

Ivan: Kaya nyo yan!

Michael: Go Claris at Mero. Pipicturan ko kayo. Don’t worry. haha

 

After 30 minutes of Shouting of encouragement words, Mero jumped into the Cliff. And we just waved our hand like this. Nice Jump Mero!

11063587_848057745263205_3575992142065187707_n

Almost 1 hour of Praying na rin ang ginawa namin, but unfortunately, Claris did not able to Jump and decided to have just a Water Tubing Slide to reward herself for an hour of Kapaus-paos na pag sigaw sa kanya.

17662_848057508596562_8674988989045195661_n

Isa-isa kaming sumakay sa malalaking salbabida para mag Water Tubing. Sobrang Sarap mag Slide sa Dam. Grabe, parang mga bata kaming nag tampisaw habang nagseselfie sa bawat pagpapadulas.

Thank Guys for this awesome Adventure! Sa uulitin!

11407155_856702957732017_2963499762718970511_n

11351236_848056558596657_6222622522342206561_n

5-Star River Rafter – Carl, Yson, Pamela, Clang and Bf, Michael, Mina, Cath, Claris, Emman Mero, Jonathan at Ivan

Kumain muna kami at nagmasid masid sa Ganda ng View ng Ilog at Dam. Pinagsaluhan namin ang masarap na Spaghetti at Palabok from Goldilocks. Thanks for our Sponsors (Ganon talaga pag artistahin)

11295600_848059201929726_6352325840625352576_n

11215095_848059425263037_8407981544162905697_n

6:00pm ng magsimula kaming magbyahe pabalik ng Headquarters. Nakakalungkot iwanan ang mga Taong Gumabay sa amin sa Rafting – Kuya Lady at Pong.

Maraming salamat sa napakasayang mga Biruan at astigin na Stunts na paglusot sa mga Rapids. Talagang, they made this adventure beyond our expectations.

11351254_1081729941841316_5021061804869191405_n

We wrapped up our Magdalena River Rafting Experience with the glimpse of the Beautiful Faces of Magdalena’s Santa Cruzan.

This slideshow requires JavaScript.

Bakit nasa Magdalena ang mga nag gagandahang Dalaga ng Laguna? Aabangan ko to Next Year! Promise…

 

Side Trip to Dalitiwan Resort

10341720_848067175262262_6536454360395629340_n

Last Trip ng Biyahe papuntang Majayjay ay 7pm from Magdalena or Sta. Cruz. It’s advisable to ride a Jeep to Sta. Cruz then find a Jeep that would bring you to Majayjay Laguna.

Luckily, We were able to ask One Jeepney Driver in Magdalena Plaza to bring us to Dalitiwan Resort in Majayjay Laguna. Medyo nagdadalwang Isip pa siya dahil halos 45 minutes pa ang biyahe from Magdalena to Dalitiwan. So He just asked us if we were willing to Pay 60php per Head. We thought that it was a reasonable price so we accepted it.

Nag sidetrip muna kami sa Bayan ng Majayjay para bumili ng mga Pagkain at Baon namin sa Overnight swimming. Napagkasunduan na bumili na lang ng kanin at lutong ulam. Gabi na kasi at wala na kaming time para mag luto at magprepare ng diner.

Pagkatapos bumili ay dumiretso na kami sa Dalitiwan Resort. Excited na talaga ako. Marami kasing feedback na magaganda tungkol sa bagong Attraction na ito sa Majayjay Laguna.

11377149_848067195262260_7454717827608114562_n

Pagkadating namin sa Resort ay binugbog agad namin ang kumakalam naming sikmura ng masarap na Kaldereta, Sisig, Embutido at Leche Plan.

We were all feel blessed to have such a wonderful trip. Thank you Lord for your Guidance.

Pagkatapos kumain ay naglaro kami ng Unggoy-Unggoyan with Playing Cards. Ang rule of thumb, ang matatalo ay tatalon sa Super Lamig na Pool. It was indeed a Challenge!

Ang unang nabiktima ay si Claris. I think Karma ito dahil Hindi siya tumalon kanina sa Dam. haha

Marami rin mga Hugot Lines at Joke time ang nangyari sa gabing iyon.

 

JOke101:

Mero: Anong Isda ang Mahirap?

Jonat: Ano?

Mero: Edi Pirahna.

JOnat: Bakit?

Mero: Pirahna, naging bato pa.

 

Joke102:

Michael: Anong isda ang mataba?

Claris: Ano?

Michael: Edi Fat-ing.

 

Joke 103:

Ivan: Anong hayop ang Maliit?

Michael: Ano?

Emman: Edi Kapirang-goat

 

Hugot 101:

Carl: Minsan talaga kahit anong halaga sayo nong Card, kelangan mo siyang I let go para makapag move on at makahanap ng tamang pares.

Carl: Minsan ang napili mong Card, sa bandang huli ay iiwan ka rin pala at sasama sa iba.

Carl: May mga Card din na babalik at babalik din sayo. kaya kelangan Bigyan mo rin ito ng Chance at malay natin, ito pala ang Karapatdapat na kapares na hinihintay mo.

Carl: May time talaga na napipili natin ang Maling Card kahit anong gawin natin para i-let go, mag move on at humanap ng Bago. Ganon talaga, Masasaktan tayo, mahuhulog sa Pool at mag mumukhang Unggoy!

Hindi ko talaga alam kung  Unggoy-Unggoyan pa ang pinag uusapan namin.

11267105_848067301928916_6114467442726902217_n

Pagkatapos magtayo ng Tent sa gilid ng aming Cottage, kami ay nagprepare na matulog. Masaya kaming Umidlip baon-baon ang napakagandang Experience namin sa araw na yon.

11391240_848068521928794_6256276267902775181_n

11428505_856707001064946_5925725195698342912_n

11407250_856706034398376_1065214279048618730_n

Noong umaga ay binulaga kami ng napakagandang Scenery ng Resort. Huwaw!

Kumain kami ng breakfast at nagsimulang libutin ang Dalitiwan Resort. Excited kaming Lahat para ituloy ang nabitin naming pagtampisaw sa ilog kahapon.

Sobrang na take advantage ako ni Mina sa mga Pictures. hahaha. I was not prepared. Pero kahit ganon ay tulong-tulong pa rin kaming umalalay sa isa’t isa sa bawat hakbang namin sa mabatong Ilog ng Dalitiwan.

11401541_1083548301659480_1479477277689823332_n

Maraming salamat nga pala kay Carl at Yson – sila  kasi ang mga tumayong Photographer namin sa Trip. Thanks. Pag kasama mo ang Outdoor Addicts, I advice wag na kayo magdala ng Camera. They have it all – Go Pro and SLR to name a few.

11390207_1081570581857252_6271713923600672647_n

1907547_1083565838324393_8631051065215118305_n

22400_848068778595435_8771572126327013785_n

At dahil sa sobrang ganda at sobrang lamig ng tubig, di na namin napigilang lumusong. Nagpalit kami at naligo. Yohoho. Ang Lamig – Tamang-tama to knock out the  May Weather’s Heat.

10929073_856706811064965_4881575500697289852_n

Here’s some of Our Photos that will inspire you to go and to Visit Dalitiwan Resort:

Mini Waterfalls:

11393148_848070041928642_3145302529413417468_n

11330036_848069175262062_5154581372724689827_n

Buddha and Ninjas:

Apocalypto:

11392829_848071565261823_7043751419499877611_n

11377287_1081587025188941_2326574612775673072_n

 Mudpacks Before and After:

The Rockies of Dalitiwan:

11391145_848070898595223_1182050846101456290_n

Finale:

1545760_848071858595127_5058268551597619750_n

Kid’s Summer Love – Paligaw ligaw Tingin

11401116_1083863351627975_5289351514544355574_n

Photo’s Credit to Carl, Yson, Kath, Mero, Mina, Ivan, Claris, Emman and Michael.

 

“… Be filled with the Spirit… Always giving thanks to God the Father for everything..”

Thank you Lord for every Adventure We Had this Summer. Wherever we are, in the Mountains or in the Rivers, You always blessed us with Good Weather, Unexpected Lesson and Great Memories that We would bring throughout our Life.

Thanks din to my Friends. You made this Trip Amazing.

This slideshow requires JavaScript.

 

Itinerary:

Day 1:

2:00 pm – Sta. Cruz (Bus Stop)

2:20 pm – Magdalena Plaza

2:30 to 3:00 pm – Rafting Orientaion

3:30 to 5:00 pm – White Water Rafting

5:00 to 5:30 pm – Water Tubing

6pm – Arrival at Magdalena Plaza

7pm to 8pm – Going to Dalitiwan Resort + Buy food at Majayjay

8:30 to 9pm – Diner

11:00 pm – Sleeping Time

Day 2:

7:00 am – Breakfast

8:00 to 9:00 am – explore Dalitiwan Resort

9:30 to 10:30 – Enjoy Swimming at the River

11:00 to 12:30 pm – Departure from Majayjay going to Sta. Cruz.

1:45pm – Departure from Sta. Cruz Bus Stop to Calamba

 

Trip’s Budget

River Rafting (7 kms. approximately 2 to 2 in a half hrs. river run):

Tour Package (Min of 6; Max of 8 per Rafting Trip): 750php per Head (inclusion: Jeepney transportation from Magdalena town proper to rafting area and back, Rafting Gears, Shower area and Cottages or Rooms, River Guides)

Food: 130 php delivered pack lunch (binalot with water) or you can bring your own foods.

Checklist: liteweight long sleeve shirt, sun block rashguard, sunglasses or prescription glasses with string or strap(optional) old sneakers, river shoes, slippers, water proof camera(optional) energy drink or water, towels, plastic bags for wet things, snack and drink.

Contact: 928 258 5554 Look for maryjane r.bueno

Note: Magdalena river rafters are restricted to a limited number of guest! Early reservation is the best way to insure your preferred dates and accommodations to confirm a reservation They require a 20%. deposit within 5 days of making a reservation. Also do visit their page @ FB Magdalena White Water River Rafting adventure.

Dalitiwan Resort:

Location: Brgy. Ilayang Banga Majayjay Laguna

Entrance: 150 php (Overnight), 80 php (day tour)

Cottage: 1000 php (Overnight), 500 php (Day Tour)

Tent Fee: 250 php (optional)

Electronic Gadget Charge: 50 php (CP and Camera Charging)

Contact: 09279956231/09495219330 look for Buena Bergola or 09155149330 and Look for Rosen Alcantara

 

How to get to Magdalena River Rafting:

Ride a Jeep or Bus from Calamba Laguna to Sta. Cruz Laguna – 61 php

Ride a Jeep to Magdalena Plaza/Simbahan – 16 php

 

How to get to Dalitiwan Resort:

Ride a Jeep or Bus from Calamba Laguna to Sta. Cruz Laguna – 61 php

From Sta. Cruz Bayan or Bus Stop, Ride a Jeep to Majayjay Bayan – 40 php

Note: last trip of Jeep in Majayjay and Magdalena is around 6:30pm to 7:00 pm. Be sure to check your itinerary to avoid delays in transportaion.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s