Anawangin | Nagsasa Cove Pundaquit Zambales Adventure

Ano-ano nga ba ang makikita sa San Antonio Zambales?

Ang lugar na ito ay kilala bilang pinaka malapit na surfing destination sa Manila.

Ito ay unti-unti na ring sumisikat sa mga Tourista dahil sa Majestic Mountains, Beautiful Beaches at Scenic Coves. It’s One of the favorite destinations of Camping Enthusiast and Beach Lovers.

Ang ilan sa sikat na Coves dito ay:

  1. Anawangin Cove
  2. Nagsasa Cove
  3. Talisayin Cove
  4. Silangen Cove

Dinadayo rin dito ang dalawang maliit na Isla:

  1. Isla de Punta Capones – Matatagpuan ang  Spanish Light House from the 1800s.
  2. Camara Island – Matatagpuan ang napakagandang Sand Bars.

Halina! Samahan nyo kaming Bisitahin ang Bagong Surfing Capital ng Luzon! Hayaan nyo kaming ipakita sa inyo kung paano nga ba mag Surf kasama ang mga Alon ng Zambales Coves.

anawangin

Nagkita kita kami sa Victory Liner Pasay around 10pm.

Bumili kami ng Ticket. 2:30am ang naging departure time namin. Dapat talaga 1:30am ngunit hindi kami nakaabot dahil sa mahabang Pila sa ticket booth papuntang Olongapo.

anawangin1

Kahit late sa Itinerary. Masaya pa rin kaming bumiyahe at nagkwentuhan.

Jonat: Mina, Tabi tayo sa Bus?

Dina: Hindi Pede. Tanong mo pa kay Mina?

Mina: Jonat, Gusto mo bang masaktan? Sabihin ko na ba? hahaha

Jonat: haha wag. di pa ako ready.

Naging malaking hadlang talaga si Dina sa mga Plano ko. Para maging fair, nagbunutan kami para sa seating arrangement. Ang naging katabi ko ay si Michael. Nalaman kong pumapag-ibig na si Mike sa aking Virtual Friend. Tsk Tsk. Mga Taksil hahaha

anawangin9

Dumating kami sa Olongapo around 6:00am. Dito na rin kami sumakay ng Bus papuntang Iba Zambales.

7:30am ng mag-arrive kami sa Bayan ng San Antonio.

anawangin2Dito kami nag Breakfast. Masarap ang mga Lutong Ulam dito. At ang best seller food nila ay ang Igado.

Masaya namin pinagsaluhan ang umaga ng may saya at ngiti.

anawangin3

Pagkatapos kumain, bumili kami ng mga kakailanganin namin para sa Camping mamayang Gabi.

anawangin5

Then, sumakay kami ng Tricycle para pumunta sa Pundaquit.

Ang contact person na nakuwa ni Lara ay si Ate Liezel.

anawangin7

anawangin8

Pagdating namin sa munting tahanan ni Ate Liezel, biglang bumungad sa amin ang pinaka malungkot na balita sa talumbuhay namin.

Ate Liezel: Guys, Hindi po pinayagan ng Coast Guard na magbiyahe tayo ngaun sa Laot. Malakas po kasi ang Alon dahil sa Hanging Amihan.

Jonat: Ate gusto kung makausap ang Coast Guard.

Ate Liezel: Sige po. Tara! Para makita nyo rin po ang tabing dagat dito.

anawangin18

anawangin10

Medyo malakas nga ang Alon.

Hindi ko na sinubukan kausapin ang Coast Guard. Gusto ko pang mabuhay. Hahaha ayokong i-risk ang life ko lalo’t di ko pa nakikilala si The One.

Pero nakakalungkot. Maraming kaming Nastranded.

anawangin24

Jonat: May choices po ba kami?

Ate Liezel: Pede naman kayo mag Hiking papuntang anawangin. 4 hours po ang hike. Tapos ang mga gamit nyo po ay papadala namin sa bangka.

Jonat: Sige po. Mukhang magandang Idea po yan.

Pero noong tumingin ako kala Mina, nalungkot ako dahil hindi nila hilig ang mahahabang lakarin.

Sa taas ng Bundok ng Pundaquit, malamang abutin din kami ng 6 hours sa Climb.

Ivan: Ate, Di ba po may falls na malapit dito?

Ate Liezel: Opo. Doon po.

Jonat: Tara doon na lang tayo magcamping. Let’s see kung bukas pag humupa na ang Alon baka pede na rin tayo maglayag.

anawangin11

Sinakay namin ang mga gamit at kami’y naglakad papunta sa dulo ng beach ng Pundaquit kung saan matatapuan ang Mini Waterfalls.

This slideshow requires JavaScript.

anawangin14

Dito na rin kami nagtayo ng Tent at kumain ng Tanghalian.

Puro pagkain na lang ang activity namin buong maghapon. hahaha

anawangin16

Masaya naming pinagsaluhan ang Adobo of Love ni Lara at Rice of Hope ni Roan.

Busog Lusog na naman! Nagpahinga kami. May natulog para makabawi sa Puyat at ang iba’y tumambay at naglaro ng baraha.

Alas tres ng biglang magkayayaan pumunta sa Falls. Excited kaming buksan ang kapana-panabik na kwento.

anawangin19

Naging matarik ang pag akyat namin.

Expectation Failed dahil hindi naging malakas ang naabutan naming pagpatak ng Talon. Halos wala na ngang Tubig na dumadaloy dito. Ayon kay Kuya Dionisio, tuwing Oct. to Nov. daw ang best month para masilayan ang ganda ng falls.

Inenjoy na lang namin ang Hike.

Nangyari rin ang Pangalawang Date namin ni Mina. hahaha.

Minsan lang makaholding Hands si Mina. Thanks Zambales. You made my Dreams Come to Life.

Feeling ko na-Take advantage na naman ako dito ni Mina.haha

Mina: Jonat, Baka mahulog tayo. nakakatakot!

Jonat: Mina, Matagal na akong nahulog sayo. hahaha (Hokage Mode On)

anawangin20

anawangin21

anawangin17

Pagbalik namin sa Camping Area, nagprepare na kami nila Ate Bayan at Phoebe ng Isda at Pork.

Balak kasi namin mag ihaw-ihaw mamaya.

Our Plans:

Beach Best Experience = ihaw-ihaw + Tent + Bonfire 

anawangin22

Si charles ang gumawa ng Man-made Kalan.

Sila Ivan, Emman, Kirby, Michael at Lara naman ay ang nagluto ng Ulam at Nagsaing.

Lahat ay nagtulungan para sa kapana-panabik na Beach Night Out!

Well Done Guys!

anawangin23

We prayed.

“Lord, Thank You po sa araw na ito. Kahit na hindi po natuloy ang Camping namin sa Nagsasa Cove, Alam po namin na You have a better plan for us Tomorrow. Sana po maging mas Kalmado na ang mga Alon bukas. Thank You din po sa pagkain na tulong-tulong namin inihanda para sa gabing ito. Nawa’y You may Blessed this Food to give us Strength para sa mga Adventure na nagaabang pa sa amin. We ask this through Christ Our Lord, Amen

Masaya namin pinagsaluhan ang Inihaw na Pork, Tilapia at Unknown Fish (nalimutan ko tawag).

Nagblend din ang Itlog na Pula, Mangga at Pakwan na nagbigay kulay sa aming Hapunan.

Sobrang Sarap mag camping! Gusto kong Ulitin ito! Kahit Every Once a Month!

We travel not to escape life but for life not to escape us. – Lara

Kami nila Dina, Mina at Eman ang naghugas ng mga Plato at Kaldero.

Sorry nga pala sa aking nasabi. hahaha Grabe nagmukha akong maniac dito eh.

Mina: Gusto ko mag Poso.

Jonat: Magbasa ka muna ng Damit.

Mina/Dina: haha ano raw?

Jonat: haha kalako kasi maliligo ka na.

Parental Guidance is advice…

This slideshow requires JavaScript.

Pagbalik namin sa Cottage, nagkakagulo na sila habang ginagawa ang mga amazing art works na nakikita nyo. Minsan nagiging artistic din ang mga kaibigan ko pag-gabi.

Maganda naman di ba?

Nagstart na rin kami mag Bonfire. Maraming Sharings ang naganap.

Ang ilan sa mga topics ay:

  1. Biggest Regret of your Life
  2. Bakit ka single ngayun?
  3. Pinaka masayang achievements mo.
  4. And many more stories over the fire were engraved thru our Heart that night.

Mas nakilala namin ang isa’t isa. At mas dumami ang pang-black mail namin kung sakaling magkaroon ng di kanais nais na pangyayari. hahaha

Ang napansin ko lang, bakit ang swerte ni Emman? Ikaw na pinagkakaguluhan ng dalawang Babae – itago natin sila sa Pangalang Claris at Minay. Grabe, nasan ang hustisya noong Gabi!

Natulog kami dala-dala ang mga tawanan at kwentuhan.

Sabi nga, In planning, Don’t plan the Ending. It has to be earned by all that will go before it.

Ang life ay hindi parang Book na may nakasulat ng Last Page!

Ito’y mas mahahalintulad natin sa isang Newspaper. Everyday may Lungkot. Everyday may Takot. Everyday may disappointment. Every day may Bago. Everyday may Saya. Everyday may Blessings. Everyday may Love, Hope and Faith.

Just be sure that It’s worth Reading.

anawangin28

Pagkagising namin noong umaga, nakarating sa amin ang napaka gandang balita.

Ate Liezel: Guys, Pede na po tayo mag Layag! Humupa na po ang Alon.

Napatalon na lang ako sa tuwa habang tinatanaw ang napakalawak na West Philippine Sea!

Thank You Lord for this Day! You always listened to our Prayers. And You always give us amazing Trip of a Lifetime.

anawangin38

We moved forward with a smile except for Claris.

Anawangin and Nagsasa Cove! Here We Go!

anawangin29

Sumakay kami sa bangka para umpisahan ang Surfing with the waves of Zambales.

1 and half hour ang naging biyahe namin papuntang Nagsasa Cove.

Sumayaw kami sa mga Alon. Bumungad din sa amin ang napaka gandang mga Bundok. Tila ba nasa Jurassic Park kami. Nakaka-amaze talaga ang different perspective ng Zambales Coves.

Ayon sa mga residente, kaya daw konti lang ang mga Puno sa mga bulubunduking ito ay dahil sa pagsabog ng Mt. Pinatubo. Maraming Part kasi ng Zambales ang natamaan ng makakapal na Ashes at Lahar.

This terrain reminded us of the bitter past but it was also a Symbol of Hope. After all of the adversities, there would be a greener pasture to look forward to.

“Indeed, The crack in your heart allows light in”

12787480_10205648773327261_1364008212_o

Nagsasa Cove

anawangin30

Pagdating namin sa Nagsasa, Nahimatay kami ng parang ganito…

anawangin31

Ang Ganda ng Lugar!

Kung mahilig ka sa Bundok at Beach, Maituturing mo itong Paraiso.

Ngaun lang ako napalibutan ng Bundok at the same time ay may Beach na magcomfort sa mainit na sikat ng Araw.

Kumain kami sa maliit na Kubo ng Nagsasa Cove. Sabay-sabay namin pinagsaluhan ang Cornbeef at Tinapay.

anawangin57

Thank You Lord for this Day! We never doubt Your plans even to yesterday’s turn of events. Kahit hindi umayon ang lahat sa mga Plano namin, Ikaw pa rin ang gumagawa ng mas magandang Story Line. Kaya di ako nagsasawang magsulat ng mga experience ko. Thank You po!

Here’s some of our Photos at Nagsasa Cove! Be Inspired!

Bigboy don’t Cry!

anawangin40

The Mountains Behind our Backs!

anawangin41

anawangin62

Kirby with his two GF’s (Galawan Breezy)

anawangin39

Nardo and Aling Maliit 2nd Chance!

Lara: Doon tayo magtatayo ng Bahay!

Ivan: Ang Ganda. ‘Sing Ganda mo ang Buhay na naghihintay sa atin Dalawa!

Lara: I Love You Nardo! Hawak kamay nating harapin ang Alon ng Buhay.

Feeling ko yan talaga ang usapan nila noong time na yan. hahaha

anawangin35

Climbing the Cliff of Nagsasa Cove!

Note: Don’t try this at Home

anawangin42

anawangin43

Waves may come and go! But Our Jumps would Remain as High as the Sky!

anawangin34

We did not able to climb the Hills of Nagsasa Cove. Sayang wala kaming magandang Panoramic Pictures. We left this Cove  and went to Anawangin to unveil all its glorious sight.

 

Anawangin Cove

anawangin53

Nag-umpisa kaming libutin ang Lugar. And The Scenic Views were awesome as we expected it to be.

Here’s some of our Photos in Anawangin Cove:

The Campsite of Anawangin!

Napaka Nature Lover ang Campsite dito.

Naimagine ko na ang aking sarili na mag camp dito sa mga susunod na taon.

Parang ayoko ng umalis at mag stay pa for another day.

anawangin46

The Bridge that Connects with a Heart!

anawangin47

The Panoramic View of Anawangin Cove!

Nagstart kaming akyatin ang maliit na Burol ng Anawangin.

anawangin45

The Hike would take you for about 20 minutes to get to the Top of the Hill, excluded all the Picture Taking.

Unting-unting bumungad sa amin ang napakagandang Cove ng Anawangin. Mas Maganda nga itong tingnan mula sa tuktok.

anawangin50

profile

anawangin51

We raised our Hands while looking for another day into the Sea.

We would not stop writing all the beauty of Natures just to inspire other people’s minds and souls.

Let’s Preserved its Beauty! Kayang-kaya Basta Sama-sama.

anawangin52

anawangin59

anawangin61

anawangin54

The sweetest Goodbyes came often in Waves!

During our way backed to Pundaquit, We were able to experience an amazing race.

We were behind with a kilometer run. But eventually, One by One, we overtook them. We felt unbeatable. We ended our Sailing Escapade Like Winners.

A Champion without a Trophy. Just Stories to share 50 years from now to our Grandchildren.

anawangin37

We wrapped up this Trip at Sampaloc Manila where we reminisced our Experience in ECE Board Exam.

5 Years ago, Pag aaral lang ang inaatupag namin. Ngaun, Ito kami! Tumaba ng Konti pero ganon pa rin ang samahan.

I realized that Life was never been a Competition. It was not a race that needed to be finished in every turns. It was all about celebrating Life, Cultures and Love – Love for Friendship and Family.

 “If Travelling is a competition, I guarantee you, you will never Win.”

Take one step at a time! Don’t let a simple checklist ruin your Plans to Enjoy Life!

cover2

 


Transportation:
Bus Fare
Manila to Olongapo – 223php
Olongapo to San Antonio – 44php
Olongapo to Manila – 293php
Note: You may also go to San Antonio directly by taking a Bus from Manila to Iba Zambalez.

San Antonio to Pundaquit- 30php per Person
Tricycle fare para sa Bug papuntang Camp – 70php

Camping Budget @ Pundaquit:
Camping fee – 800php (include x2 Cottage)
Boat Rent:
Nagsasa Fee
Back and Forth Ride to Nagsasa and Anawangin Cove – 4800php
Entrance Fee: 50php (They let us used their Cottages for Free)

Anawangin Fee
Entrance Fee: 50php

Comfort Room – Present at Anawangin and Nagsasa Cove
Water Sources – Present at Anawangin and Nagsasa Cove

Contact:

Ate Liezel – 0917 380 9104

Planned Itinerary:

Day 1 – Saturday
1:30 AM ETD Manila to Olongapo
5:00 AM ETA Olongapo. Travel to San Antonio
6:00 AM ETA San Antonio. Breakfast. Shop for food. Change clothing. Meet with boatman.
8:00 AM ETD San Antonio to Anawangin
8:45 AM ETA Anawangin
12:00 PM lunch
1:30 PM ETD Anawangin to Nagsasa
2:30 PM ETA Nagsasa
Day 2 – Sunday
6:00 AM Wake up/ prepare breakfast
7:00 AM Super Heavy breakfast
9:45 AM ETD Nagsasa
11:00 AM ETA Capones. Snacks. Trek to Capones light house
12:00 PM ETA lighthouse.
1:30 PM trek back to boat
2:15 PM ETD Capones
2:30 PM ETA San Antonio. Fix up. Snacks
4:00 PM ETD San Antonio to Olongapo
5:00 PM ETD Olongapo to Manila. Dinner in stopover

 

Photos Credit to Lara, Ivan and Geraldine.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s