Hulugan Falls| Hidden Gem of Luisiana Laguna

hulugan falls cover

One of the Hidden Gem of Laguna – Hulugan Falls and Talay Falls!

Get out in your Office! Don’t imprison yourself for 8 hours a day! Instead, pick up your backpack and visit this Magnificent Waterfalls at Brgy. Salvador, Luisiana Laguna.

The town is also called “The Little Baguio of Laguna” by the Locals because of its high elevation and cooler climate.

Tara! Samahan nyo kaming Buksan ang Bagong Tourist Spot ng Laguna!

DSCN5908

5:30am to 6:00am ang call time namin sa SM Calamba. Sumakay ng Bus ang mga kasama ko (Sophie, Francis, Cobaru, DK, Roger, Hansel, Jeff, Melody, BJ at Jayveeh) papuntang Sta. Cruz around 6:15am. Tinagpo ko sila sa Terminal ng Jeep papuntang Lucban. Halos katapat lang nito ang Bus Stop ng DLTBco. Every 20 minutes naman ang pag alis ng Jeep sa Terminal kaya siguradong makakasunod ka sa itinerary ng walang aberya.

Ako’y nagpaiwan sa pila ng jeep upang hintayin ang apat pa naming kasama (Yson, Ivan, Michael at Claris).

Quarter to 9am ng umalis ang Jeep namin papuntang Luisiana. Here we come! The cold breeze of this Place welcome us.

DSCN5939

After seeing this Tarpaulin, The excitement begin to pound our Heart as if the nature is calling us once again to explore and to unfold its beauty.

DSCN5953

Arriving at Kapitan’s House.

DSCN5964

It’s a 15 minutes walking from the drop point of Brgy. Salvador. You can also ride a tricycle or Motorcycle going to Kapitan’s House for 10php per person.

Dito rin kelangan mag log-in at kumuwa ng Guide.

Meron din mga tindang Souvenirs like Hulugan Shirts at Salakot.

Bumili din kayo para supportahan ang mga produkto ng Luisiana katulad ng mga Salakot, Bags, Mats and other Novelty Item. Base sa aking kaibigan, Salakot daw ang No. 1 at Best Seller products dito.

DSCN5963

Habang naglalakad ay nagkaroon kami ng chance para mainterview ang aming Guide na si Sir Michael.

Ivan: Kelan po nag start ang pagpunta ng Tao dito sa Hulugan?

Michael (Tour Guide): Noong October 2015 pa po. Bigla nga pong dumagsa ang tao dito simula noong  sinukat ang taas ng Falls at may blogger na nagpost tungkol sa lugar namin.

Michael: Gaano po ba kataas ang Falls?

Michael (Tour Guide): Mga nasa 95 ft po.

Jonat: Ang Taas. Makakapunta rin po ba tayo sa Aliw Falls?

Michael (Tour Guide): Naku hindi na po. Pinagbawalan na po kami ni Kapitan na mag dala ng mga Tourist doon dahil ibang barangay na po ang nakakasakop.

Yson: Sayang naman. May iba pa po ba tayong pedeng puntahan?

Michael (Tour Guide): May isang Falls pa naman tayo na pedeng puntahan like Talay Falls pero hindi naman siya gaanong mataas ngunit maganda din po.

Claris: Mayroon po bang mga Festival dito or sikat na Pagkain?

Michael (Tour Guide): Tuwing August 9 po nag celebrate kami ng Pandan Festival dito sa Luisiana. At ang pinaka sikat dito na pagkain ay Bibengka na gawa sa Margarin at Niyog. Bumili po kayo pag uwi. Tiyak na babalik-balikan nyo!

DSCN5960

DSCN5972

12271192_925937710808541_1328307230_o

Ang naunang group ay nagside trip muna sa Talay Falls. Medyo naging wet at muddy ang kanilang paglalakbay. Kaya naging madulas ang ilang Trails nito. Ilang beses din silang tumawid ng Ilog.

Ayon sa kanila, medyo delikado raw ang pagtawid sa Ilog dahil may mga Hidden Trap na tila Pot holes na kapag natapakan ay bigla na lang lulusot ang buong hita mo. Kung hindi ka mag-iingat sa paghakbang ay maari kang ma-injured or masugatan. Keep safe! Dahan-dahan lang.

DSCN5991

DSCN6006

DSCN6011

Meron naman mga Kawayang Lamesa malapit sa Talay Falls. Kaya masarap magpahinga at magmeryenda dito.

I advice na dito na rin kayo kumain ng Lunch bago kayo pumunta sa Hulugan Falls. Wala kasi kayong mapupwestuhan sa Hulugan at malakas din ang ampyas ng pagbagsak ng Tubig sa paligid nito.

DSCN6025

I didn’t have the chance to view this lovely place.

Seeing all the pictures of Talay Falls give me enough reason to come back again.

12231136_1679341862348900_2040127491_n

12248649_1020928981285143_1235398678_n

Kapitan’s House to Talay falls took them 1.5 hrs of trekking while Talay falls to Hulugan falls took them 45 mins.

During this trail, you could also pass to some Pandan Trees which the Local Community used to make Salakot and Bags.

DSCN6034

Balik naman tayo sa Kwento ng mga Latecomers…

12273056_10205386831737904_69704245_n

Nag arrived kami sa Kapitan’s House around 10:00 am.

Sobrang Daming Tao. Sobrang Daming magagandang mga Tourist. hehe. Sulit na sulit na naman sa View.

Bago kami umalis, bumili kami lahat ng Salakot at nagpapicture kay Kapitan. Masaya namin nilisan ang lugar para simulan ang paglalakbay towards Nature. Bago pa lang kasing sumisikat ang Hulugan kaya maswerte kaming mapuntahan ito at sabayan pa ng napakagandang panahon.

12281737_925937664141879_2113678255_o

Dahil medyo late na kami sa itineray, Kami ay nagpasyang dumiretso na sa Hulugan Falls. 45 minutes trekking lang naman ito from Kapitan’s House. Mas malapit di hamak kumpara sa Talay-Hulugan Trail.

Naging maputik ang start ng Trekking namin pababa ng Falls. May mga makakapitan din naman na kawayan kaya naging mas madali ang pag descend namin. Ngunit Kelangan mo din mag ingat dahil konting pagkakamali mo lang ay maari kang madulas.

12255649_925943360807976_1696917648_o

12271112_925943934141252_1279193037_o

Jonat: Claris, Ingat ka ahh. Baka Madulas ka. Kung sabagay sanay ka naman ma Fall.

Claris: Hindi nga ako ma Fall agad. (Banat Moments)

Jonat: Kanino ba? hahaha

Iwasan nyo din mag tsinelas kung ayaw nyong bumaba ng nakapaa. Mas okay pa nga sigurong mag Rubber Shoes kaya lang talagang mababasa at mapuputikan ito during hike.

DSCN6043

Unti-unting sumilay sa amin ang napakagandang View ng Hulugan Falls. Tunog pa lang ng pag agos ng Talon ay talagang nakakapanindig Balahibo na. Wooh! Lahat kami ay excited ng bumaba upang makita ng malapitan ang natatagong Hiyas ng Luisiana.

DSCN6081

Looking to Hulugan Falls

I stunned for a couple of seconds while looking to this scenery.

Ito na ata ang pinaka magandang falls na nakita ko. Breathtaking Indeed.

Sa sobrang lakas ng pagpatak ng tubig kahit nasa malayo na kami ay nahahagip pa rin kami ng ampyas nito.

One touch of nature makes the whole world kin.

DSCN6047

First time ko mag Lunch under the Waterfalls. Sobrang sarap kumain habang pinagmamasdan ang pag-bagsak at pag-agos ng tubig. Sobrang saya din pagmasdan ang mga taong nakikipaglaro sa mga bawat patak ng Talon.

Bagay na bagay ngang tawagin itong Hulugan Falls – Hulugan ng masasayang Pag-alala sa mga Magagandang Gawa ng Panginoon.

DSCN6052

12:00pm ng muli kaming ma-reunite sa iba naming kasama. Hindi na namin pinalagpas ang bawat minuto at naglibot-libot kami agad upang i-enjoy ang bawat sulok ng Talon.

Here’s some of our pictures that will give you inspiration to visit and explore this unsung Beauty of Hulugan Falls:

DSCN6077

DSCN6083

Hulugan Falls

12243743_1198080303540710_264256491_n (1)

Hulugan Falls1

The best part of my Hulugan Waterfall experiences – when I saw the magical Rainbow beneath the Falls. The feeling was Astounding. All of my life, I dreamed to touch a rainbow with my bare hands and It finally happened.

Masaya kaming lumisan sa napaka gandang Talon ng Luisiana.

Alam kong marami kaming nakita, natutunan at naranasan sa araw na ito upang dalhin sa mga susunod pa namin pag bisita sa mga lugar na Closer to Nature.

Thank you Lord for this Magnificent Art Work! You always draw us great view to touch our heart. We will not let Your efforts go to waste.

To all of the visitors of Hulugan Falls, Please Leave no Trace. Let’s preserve its Beauty for the future generations.

DSCN6145

Habang pabalik ay nag kabiruan kung sino nga bang nadulas sa trekking. Lahat walang umaamin except kay Francis. Sa aming lahat, siya lang ang bukod tanging nadulas at sumubsob sa Putikan. Congrats Kaibigan! Promise hindi namin pagsasabi.

Nag alala din kami sa Rayuma ni Sir Roger. Talagang inalalayan namin ang bawat paghakbang nya sa napaka putik na Talay-Hulugan Trail.

DSCN6153

Kami ay nag pahinga, nag bihis at nag ayos ng sarili sa isang bahay malapit kala Kapitan.

Kumain ng Barbecue at Bumili ng Bibingka.

DSCN6152

4:30pm ng sumakay kami ng Jeep papuntang Pagsanjan upang bisitahin ang isang sikat na restaurant dito.

Aling Taleng’s Halo Halo since 1933.

Halos 1 century na ang tagal ng Restaurant na ito at hindi nga kami binigo dahil talagang napakasarap ng Halo Halo na inihahanda nila.

Huwag kayong mag dalawang isip na dumaan dito kapag nagawi kayo sa Sta. Cruz. It will give you refreshment like nothing else can do! Just enjoy every Bits of its Taste.

We wrap up this trip at Pagsanjan while sipping the sweet taste of this adventure.

DSCN6172

Thank you sa lahat ng mga sumama- Ivan, Claris, Jayson, Michael, Melody, Jeff, Francis, Hansel, Jayveeh, Sophie, DK, Cobaru, Roger at BJ.

Kahit na hindi tayo nagkasama-sama in the whole trip.

Kahit na nadulas at napaupo ang ilan sa putikan.

Kahit na hindi nasunod ang ilang mga plano.

I believe that this experiences we had at Hulugan Falls will create infinite Bonds and Motivations to explore more about the Souls of  Nature.

 


Group Estimated Budget: 500php

 

Hulugan FallsBudget:

Salakot made from Luisiana – 25 php

Entrance Fee: 10 php

Taking Bath – 15 php per person

Bibengka (Luisiana Special) – 3 for 100php

 

Hulugan Falls Itinerary:
5:00 AM – Jac Liner / DLTB Headed to Sta. Cruz Laguna (Depend on your  location)
7:30 AM – Arrival Sta. Cruz Laguna
7:30 AM – Jeep going to Barangay San Salvador, Luisiana
8:40 AM – Arrival San Salvador, register and sign in 10 pesos per head (Kapitan’s House)
9:15 AM – Start trek for the Talay Falls
10:30 AM – Arrival at Talay Falls (1 hour to 1 hour trek depending on you speed)
11:00 AM – Lunch at Talay Falls then Head to Hulugan Falls
12:15 PM – Arrival at Hulugan Falls. Enjoy The Scenery and Swim Swim
2:30 to 4:30 PM – Start to go Back to Kapitan House to Log Out and Take a Bath
5:15 PM – Arrival to Aling Taling’s Halo Halo for Dinner
7:00 PM – Uwian Time from Sta. Cruz (Anything Goes from Here)

 

Tour Guide:

No Fix Rate – 300 to 500php should be enough
1:30 PM – Arrival at Aliw Falls

Foods:
Kanya kanyang Dala! pakidagdagan para may makain tayo madami.hehe

Outfit:
Wear Sandals or Rubber Shoes
Pangligo Outfit
Bring Extra Shirt

Expenses for Hulugan Falls:

140 Pesos – Bus from Gil Puyat/Taft Ave to Sta. Cruz

30 Pesos – Jeep from Sta. Cruz to San Salvador

10 Pesos – Registration fee

Hulugan Contact Number:

0921 375 5825
0928 975 9752

Aling Taleng’s Halo Halo Budget:

85php – Regular Halo Halo (Original Flavor)

165php – Pancit good for 3 person

 

Reminder:

Attire: Wear Sandals or Rubber Shoes. Avoid Slippers. Trails going to the falls is really Muddy and Wet.

Cellphone Signal: Globe and Smart Signal are not present all through out the Trails. Please be guided to not separate in your group because communication is quite Hard

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s