Cornerstone | Bringing Christ’s Transforming Love to the Poor

Cornerstone is a Church of the Poor Couples for Christ (CFC) Partnership Program for Education.  It has two levels, one for Elementary and another one for High School.  The Elementary Program aims to reach out to slow readers in elementary children in public schools through Reading Tutorials and Values Formation.  The High School Program aims to reach out to High School leaders through Christian leadership and Values Formation.  Family support is provided through the Parenting Formation.  The Cornerstone Program is consistent with the core mission of CFC to bring Christ’s transforming love to families and the poor.  The very name Cornerstone refers to Christ Himself (Mark 12:10-11). – ANCOP

cornerstone37

Ito ay ang unang taon ko para magserve kay God with the Cornerstone family.

“’The stone the builders rejected has become the cornerstone; the Lord has done this, and it is. – Mark 12:10-11

Talagang fulfilling ang pakiramdam na makatulong sa mga kabataan na nangangailangan ng konting gabay upang makabasa.

Napakaganda ng programang ito kaya nagvolunteer agad ako. Noong una ay natatakot ako dahil hindi naman ako teacher at hindi rin ako ganon ka kagaling sa loob ng Paaralan.  But I faced all those doubts and I prayed to the Lord to help me.

Volunteerism needs commitment! And that scares me a lot.

But my heart tells me that I have to go there and volunteer with all my heart and soul. So I let go all of my worries to help those students to cope up with their studies.

cornerstone2

Nameet ko rin ang ilang Members ng SFC and CFC. I am happy to know na hindi lang pala ako ang tinatawag ni Lord para magserve.

Guys thanks sa pag welcome sa akin!

Sana maging mas close pa tayo…

At mas marami pa tayong batang maturuan…

cornerstone5

Ilalahad ko ang mga natutunan at naexperience namin sa Unang Taon ng Cornerstone upang maging gabay ng mga susunod pang mga Henerasyon na nais tumulong at magvolunteer sa Programang Pang Edukasyon na katulad nito.

Cornerstone Program:

  1. DOLCH
  2. Letter A-Z Familiarization
  3. Reading Practices

Bago kami magstart ng tutorial nagkaroon muna kami ng series of planning kung paano ba diskartehan ang mga bagay-bagay sa pagtuturo. Si Kuya Bon at Ate Yel lang kasi ang maraming experience sa Cornerstone. Kaya masasabi kong hindi rin gaanong ka-matured ang Team namin. Naging challenge pa nga ito sa amin para mag improve.

We advice na magkaroon ng Team Building before magstart ang Cornerstone. Ito ay para magkaroon ng camaraderie ang mga Brothers and Sisters na handang mag alay ng time at effort nila.

Establish your own Cornerstone Community! Let God be the center of it and let the love flow within your spirit.

cornerstone1

I admit na nagstruggle kami sa una subalit walang sumuko sa amin. Dahil na rin siguro sa napaka supportive naming mga Tita at Tito sa CFC. Thanks po Tita Lorna, Tito Phil, Tito Eugene and to Other CFC family na tumulong sa paghahanda ng Food at Classroom.

On behalf of SFC’s Brothers and Sisters, We thank you with all of our Heart!

cornerstone8

Every Saturday ang Schedule ng Cornerstone sa BN Calara Elementary School Los Banos Laguna.

8:00am to 11:00am ang saklaw na oras ng program.

Maari naman i-move ito ng hapon. Depende sa availability ng mga Tutors. Luckily, lahat naman kami ay available ng Saturday Morning kaya ito na ang pinush namin na Time.

Naniniwala din kami na fresh pa ang isip ng bata kapag sa umaga sila nagstart ng pag aaral.

Ang mga KFC (Kids for Christ) ang unang gumagabay sa mga Cornerstone Student to their values formation from 8:00am to 9:00am.

Dito sila tinuturuan mag pray at mag worship kay God. It’s nice to see na habang bata pa sila ay natuturuan na silang magserve kay Lord.

9:00 am ang start Reading Tutorial.

We always start our activities with a Prayer.

“Lord pinupuri ka namin  sa lahat ng bagay na mangyayari sa araw na ito. Naway bigyan mo kami ng knowledge at patience para turuan ang mga students. Bigyan nyo din po ang mga estudyante ng focus at motivation para matuto. Salamat din po na lahat kami ay nakarating dito ng ligtas. Sa mga kasama namin na parating pa lang, Sana po ay i-guide nyo po sila sa maayos na pagpunta nila dito sa Paaralan para magserve. Lahat ng ito ay dinadalangin at tinataas namin sa ngalan ng Inyong Anak na si Hesus at ang Espirito Santo, Amen.”

 

DOLCH

The Dolch word list is a list of frequently used English words compiled by Edward William Dolch, a major proponent of the“whole-word” method of beginning reading instruction. – Wikipedia

1 2

DOLCH Words ang ginamit namin para matest ang kakayahan ng mga bata sa pagbabasa.

Cornerstone empowers the student to learn how to read mainly on English words.

This is really a good way to start the semester. Dito namin nalalaman kung hanggang saan nga ba ang capability ng bata in terms of Reading.

Classification of Readers:

  1. Readers
  2. Slow Readers
  3. Non Readers

Sad to say na may ilan pa rin sa mga Grade 2 at 3 student ang Non Readers at hindi nakakabasa ng mga Letters from A to Z.

Mas na open ang mind ko about sa Edukasyon sa Pilipinas.

Ate Yel: Di ko na matandaan kung paano ako natutong magbasa. Mahirap din pala turuan ang mga bata.

 

I salute all the teachers in Elementary. Napakahirap talaga ng Trabaho nila. They have to make extra effort para lang mapalabas ang best performance ng mga bata.

Subalit alam naman natin na may ilan talaga na mahirap mag excel sa studies. Iba-iba din ang IQ ng tao. May mga Slow and Fast learners.

Kelangan lang talaga ng konting tutok sa studies na nagmumula sa mga nakakatanda.

Cornerstone Program also gives them confidence towards their studies.  Nakikita ko naman ang improvement nila every week. Kahit paano kumukulit talaga sila. hehe Peace.

After DOLCH, we have seen tomorrow with a clear view on how to approach the student.

 

Letter A-Z Familiarization

download

Pagktapos ng DOLCH, nag umpisa na kami sa Letter A-Z familiarization. Every Week 3 Letters lang ang ituturo namin para mag sink in sa mind ng Bata. Kapag sobrang tagal at dami ng mga inaaral nila ay madali na silang mawala sa focus at ma-bored.

Napansin din namin na nag gagayahan lang ang mga student sa pag babasa. Kapag paisa isa mo silang pinabasa, hindi na nila kaya. Kaya it’s advisable na 1:1 ang tutor at estudyante.

Pero dahil ang mga volunteers ay hindi naman 100% na dumadating every week due to personal reason, Minsan nagiging 1:5 kami sa pagtuturo.

Medyo mahirap ang ganong set up kasi ang kukulit ng mga bata.

 

Reading Practices

Ito ay para sa mga Readers. Dito sila nag babasa ng mga Story.

Reading with understanding ang main purpose nito.

Ang ilan kasi sa student ay kayang bumasa ngunit hindi naiintindihan ang mga salita na binabasa nila.

You have to act sometimes in order for them to understand what the meaning of the sentence.

You have to catch their attentions or else they will be so makulit.

 

Break time

Favorite ko ang part na ito ng Cornerstone Program. Dito kami kumakain ng kasama ang mga bata.

cornerstone24

Kalimitan nag luluto ng Food namin ay ang mga Tito’s and Tita’s namin sa CFC. Hindi nila kami tinitipid sa pagkain. Sobrang sarap ng Sopas, Pansit, Tinapay at Palabok na inihahanda nila everyweek.

 

How We Face All of the Problems

Sobrang Makukulit na mga Bata

Kailangan lang maging isang tunay na teacher ka sa harapan nila. Minsan pag masyadong close na kayo ay talagang kumukulit ang bata dahil nagiging Ate at Kuya ang turing nila sa inyo..

Pero kelangan din sigurong timbangin, ang mga batang ito ay pumasok ng Monday to Friday sa school. Don’t let them feel na parang school pa rin ang saturday nila. Be creative enough on how you will handle the different side of the Students. Meron talagang matampuhin, may sadyang makulit (pagtalikod mo ay nagtatakbuhan na) at may sobrang tahimik na hindi mo alam kung naiintindihan nila ang sinasabi mo.

 

Hindi Matutong Magbasa

Napansin namin sa 3rd DOLCH Test na karamihan sa mga bata ay hindi nag improve.

Nalaman na lang namin na ang iba pala ay kahit tagalog hindi marunong bumasa.

English kasi ang medium ng Cornerstone Program. Di ba mahirap magturo ng English kung hindi pa sila marunong magbasa ng tagalog.

What we did, nag DOLCH kami ng Tagalog. Dito na namin hiniwalay ang mga bata to another classification.

  1. Can Read Tagalog – Nag proceed sila normal Program ng Cornerstone
  2. Cannot Read Tagalog – Tinuruan muna namin sila ng tagalog, nag sacrifice kami para sa DOLCH nila sa English.
  3. Cannot Recognize ABAKADA – kaya nilang mag ABAKADA pero pag ni-jumble mo na ang pagkakasunod nito ay nanghuhula na lang sila

Kung maaga lang namin ginawa ito edi mas natutukan namin ang mga student na mas nangangailangan.

 

Less Tutor, More Tutees

Minsan kapag talagang konti lang ang mga tutor na SFCs, humihingi kami ng tulong sa mga YFC at CFC para magtutor. Bukas loob naman sila na tumulong sa amin. Walang iwanan ika nga.

 

Inconsistent Attendance of the Student

Once a month, iniinvite ang mga Parents ng mga bata para magkaroon ng Values Formation in the Family. Dito na rin inencourage ang magulang na payagan ang kanilang mga anak na umattend sa programa.

Naging malaking tulong din ang mga Teacher na nagreremind  sa mga Estudyante tuwing Friday upang umattend ng Cornerstone.

 

Lack of Materials

Ang ilan sa materials ng Cornerstone ay masyado ng malabo ang pagkaka xerox. Kaya nag gawa kami ng mga Self Made Materials na pinangunahan ni Faye.

Nakulangan din kami sa mga examples, kaya nag isip din kami kung paano ma-improve ang mga materials na ginagamit namin.

 

No Acknowledgment of Letters

Mga Batang A, E, I, O, U palang ay hirap na nilang bigkasin. Sa totoo wala pa kaming kasagutan kung paano ma-improve ng todo ang kanilang pag aaralan. Binigyan lang namin sila ng kaukulang pag intindi at patience sa pagtuturo.

 

Different Learning Curve of the Student

We separate the students with different classification, English Readers, English Non Readers, English Slow Readers, Tagalog Readers at Tagalog Non Readers..

This is to monitor their learning curve individually.

 

Cornerstone Christmas Party

cornerstone10

cornerstone13

cornerstone16

cornerstone9

cornerstone14

cornerstone15

Masaya kaming nag celebrate ng Christmas Party.

Nag umpisa lahat sa Prayers na pinangunahan ng mga KFC. Nag perform din sila ng nakaka antig na kanta na kumurot sa aming mga Puso.

cornerstone22

cornerstone21

Sinundan ito ng mga Palarong Pang Pamilya. Unang nag laro ang mga Nanay – Pinoy Henyo ang Tema.

Simple lang pero nakakatuwa sila. haha nawawala ang Poise pag nanghuhula. Peace

Hindi naman magpapatalo ang mga bata sa kanilang masugid na pag asinta sa mga bote para ipasok ang straw.

cornerstone17

Pagkatapos ng nakakapagod na mga Laro, kumain kami para bumawi ng lakas para sa mga susunod pang activities.

Sobrang Sarap ng Spaghetti na inihanda nila Tita.

cornerstone25

Masaya namin itong pinagsaluhan. Lahat tahimik na kumain. haha Pag talaga may pagkain tumatahimik ang mga bata. haha

cornerstone23

Sinimulan na rin namin ibigay ang mga munting mga regalo. May mga stuff toys at bags.

Isa-isa silang pumila at pumili ng kanilang mga iuuwi.

cornerstone35

This slideshow requires JavaScript.

cornerstone18

cornerstone34

 

Graduation Ceremony

Medyo nahirapan kami sa pagprepare sa Graduation Ceremony.

Ask me Why?

Haha kasi ang hirap pumili kung sino ang Most Obedient, Most Behave, Most Industrious, Most Punctual, Most Creative etc. haha

Siguro kung Most Makulit ang mga awards sobrang dami namin napili.

Congrats!

Here’s the Cornerstone’s Graduation Tribute:

This slideshow requires JavaScript.

67

68

69

My Valedictorian Message

First of all, I want to thank God for giving me this opportunity to guide those student to achieve their simple goals in their studies. And I hope they would remember this throughout their life as a student. May it gives them confidence and foundation to be more competent in the classroom.

To Althea, Tin, Dexter and to other students of Cornerstone, Godbless to your studies. alam ko gusto nyong maging teacher, nurse at engineer someday. Kaya mas galingan nyo pa sa pag aaral.

Daig ng matiyaga ang masipag. Huwag kayong susuko kung makaharap man kayo sa napaka hirap na situation. Don’t stop learning. Kung kelangan mag working student kayo para makapag college, Do it! Don’t let somebody tells you na hanggang dito na lang kayo. Strive Hard!

Someday, I know we will meet again as Professionals or Entrepreneurs. But always do remember to move forward with the Love and Guidance of the Lord.

Do your Best and Let God do the Rest!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s