The Otherside of Cagbalete

Welcome to the gateway of Cagbalete – Mauban Port!

I love Cagbalete! Yohoho Let’s start to explore the newest Beach Resort in Cagbalete – Nilandingan Beach Resort.

Thanks sa nag organize ng trip especially sa aking kapatid na sexy hahaha.

After 2 years of lockdown, sa wakas nakasilay na ulit kami sa napakagandang Dagat ng Pilipinas. Yazz!!

Pam: Sobrang nakakarelax talaga ang view ng Dagat. Nakakawala ng mga problems. Thank you B 😍

Di ako inform na di pala kami sa Dona Choleng Beach Resort. Kaya nong lumagpas na kami dito ay nag ba-bye na kami sa Cagbalete. haha

Mukhang roundtrip lang ata ang gagawin ng boat namin. Nasa isip ko at least naka silay na lang sa kumikinang na Beach nito.

After 1 hour boat ride, narating na rin namin ang tinatagong paraiso ng Cagbalete – Nilandingan Cove

Sabi nila kuya boat crew, bihira daw talaga sila mag hatid sa lugar na ‘to. Sa katunayan ay first time daw nila makarating dito sa mini cove ng Cagbalete.

Welcome to Nilandingan Cove!

Napakatahimik ng Beach Resort na ‘to. Nakakarelax at di madaming tao.

Unexpected din ang trip namin dito dahil puno na ang Dona Choleng dahil sa madaming turista na pumunta doon ngayong Mahal na Araw.

Sabi nga, Unexpected Plan makes your adventure more meaningful and enjoyable.

Ako ay nagpahinga muna sa Kubo para makabawi ng energy.

Sila Pam, Jing, Tita Weng at Cris ay nag gala gala around the resort.

Pagkagising ko, lahat sila nag swim swim na. hahaha Excited lumublob ang mga batang ire sa beach ahh…

Kaya automatic instagram boyfriend ako in this trip. Lol hahaha

Pero lageng rejected ang mga kuwa ko sa kanya. hahaha Wala naman siya choice kundi pagtiyagaan ang mga amazing shots ko. hahaha 😁

Before ng Sakuna:

After ng Sakuna:

Medyo malakas ang alon sa Nilandingan Cove. Iba dun sa expectation ko haha

Dati kasi nong nasa Dona Choleng kami, napaka-calm ng alon.

Best experience ang makapag swim swim kasabay ng mga alon. Ligtas pa kasi patag ang sand formation ng Cagbalete. Kaya wala kang ma-feel na mga bato or any corals na matatapakan.

After mag-swim swim, kami ay nag prepare na sa aming night life.

Sobrang sarap at sulit ang hinanda ng Nilandingan Crew para sa aming diner – Sinigang, Fried Fish at watermelon. Busog Sarap na naman! haha

Tapos non ay nag inuman muna sila at nagkwentuhan ng mga bagay bagay na di ko maintindihan haha Iba talaga mag usap ang mga babae ih…

Around 10pm kami nag sleep sleep. Pahinga mode. 🥰

Unfortunately, noong madaling araw ay umulan ng malakas kaya napilitan pumasok sila Jing at Cris sa Kubo. Akala ko sobrang lakas ng hangin nong gabi, tunog lang pala ng mga alon ang naririnig ko. Hopeful pa din ako na masisilayan namin ang napakagandang Sunrise ng Cagbalete.

Di naman kami binigo ni Lord. hihihi Talagang binigyan Niya kami ng chance na masilayan ang napakagandang Sunrise ng Cagbalete. Yazz!

Nate: B, gising ka na. Tingnan natin ang sunrise! Dali, ito yung first sunrise natin together..

Dali dali kaming pumunta sa beach front upang silayan at damhin ang panibagong araw na niregalo ni Lord sa amin.

Thank God for the safe trip at beautiful scenery na nakita namin. 😍

Kaya sinulit na ng aking Pag ibig na mag photoshoot sa napakagandang umaga. Konsintedor din kasi sila tita ih. Kaya wala na siyang choice kundi mag pose.

Happy Yarn? hahaha

A rare photo of me hahaha

Siyempre di naman kami nag pahuli sa mga Couple Photoshoot. Para may Cagbalete Prenup naman kami. Lol hahaha

Around 10am, nilisan namin ang isa sa pinaka magandang Isla sa Quezon Province.

Di talaga kami magsasawa na tingnan ang nakakarelax na horizon ng Dagat. Hoping for new adventures this 2022.

PS: Pramis mag impove na ako sa king photography skills hahaha

I love you B 🤗

Hope nag enjoy ka in this trip. Excited na ako sa next destination natin hihihi…

Leave a comment