Marinduque and The Peculiar Kids

In the ancient world of Magic, Many tried to capture the Peculiar Kids. They said that the Kids know the secret of all the Beach in the Philippines. It was told long time ago,  the one who ever saw these Peculiar Kids will gain control the happiness of the Beach. No one believes. Until that day….

1

A group of individuals who search to this magical creatures gather @ Mcdonald Sto. Thomas. And the magical journey of 5-star started to unfold.

3

Fabby: Guys, ang hirap talaga yumuko at lalo na pag uupo.

Jonat: Bakit naman?

Fabby: Ang tigas kasi ng abs ko. haha

Binasag ni Fabby ang antok na antok namin mood sa sasakyan. Apat na oras din kaming nagbiyahe.

Nakakahanga din ang sense of direction ni Lara na naging daan upang makapunta kami sa Port ng General Luna ng walang aberya.

15403665_1355151577842130_4028729308749870130_o

Bumaba kami ng may ngiti sa aming mga mukha.

2

The best ang Simpleng Lutong Pancit, Spaghetti at Lugaw na hinahain sa mga karenderia ng G. Luna.

Marami rin mga mabibiling mga Tuyong isda dito. Iba’t Ibang klaseng isda ang inyong makikita. Bili lang kung mahilig kau sa mga seafoods! 🙂

4

5

Nilisan namin ang G. Luna upang harapin ang alon ng Marinduque. Hindi namin alam kung saan Makikita ang mga Peculiar Kids subalit sa pamumuno ng aming Kapitan, lakas namin itong sinagupa.

6

7

Thank You Lord sa napakagandang weather na ibinigay nyo sa amin. Hindi ninyo talaga kami nakakalimutan tuwing kami ay nasa biyahe. Thank You Po.

Alam ko marami sa amin ang hindi nakasama sa munting paglalakbay namin tuwing Disyembre. Ang ilan ay pinapadala sa malayong lugar upang magtrabaho. Ang iba naman ay nakapag commmit na ng ibang lakad.

Pero kahit ganon, nasa Puso at Isipan pa rin namin kau! Sana susunod andito rin kau kasama namin mag relax at magbukas ng panibagong alaala ng walang wakas na pag kakaibigan.

8

10:00am ng dumating kami sa Marikit Na Beach Resort.

9

Mainit kaming tinanggap ng Marikit Na Crew. Binigyan nila kami ng Juice na nagbigay sa amin ng boost noong umaga.

Cheers for another years of Friendship!

11Sobrang ganda ng Beach Resort ng Marikit. Simple pero may dating. Hindi ito ang tipikal resort  na makikita mo dahil ang resort na ito ay walang Pool at maganda Beach na pede mong paliguan.

Mas ma-appreciate mo siguro ang lugar na ito kung ang hilig mo ay mag relax habang nakatingin sa dagat, tumakas sa buhay siyudad, Magbasa ng Libro at lumanghap ng ihip ng hanging kaaya-aya sa bakasyon.

10

Si Lara ang unang nakakita ng clue upang matagpuan ang Peculiar Kids.

All you need is the Beach! haha Joke lang.

All you need is Love and the Beach! Agree?

13

Hinatid kami ng Crew sa aming mga Kwarto para magpahinga ng Konti.

12

Napahanga kami sa mga design ng mga kwarto. Lalo na ang mga Wood Carving na nakadisplay dito. Sabi ko nga. Relax lang talaga ang Ambiance. Yung tipong endi mo maaalala ang buhay mo sa Siyudad.

This slideshow requires JavaScript.

14

Ipinaghain kami ng Marikit Na ng napakasarap na tanghalian. Busog Lusog na naman ang aming mga Tiyan at Puso. We did enjoy their service..

Fabby: Ang sarap pala ng buhay pag paminsan minsan ay mag sisilbi sau sa pagkain. Yung wala ka ng aalalahanin. Yung hindi ka iiwan!

20

Pagkatapos ng napakasayang Kwentuhan at kainan, nilibot na namin ang  Marikit Na Resort. Swerte lang dahil kami lang ang guess nila kaya nasolo namin ang bawat sulok nito.24

No matter what happen… Some memories can never be replaced.

Love unlocks doors and open windows that weren’t even there before.

22

You only live once, but if you do it right… Once is Enough.

23

Reading gives us someplace to go when we have to stay where we are.

21

Faith is taking the first step even when you don’t see the whole staircase.

19

Being in love with each other doesn’t mean you have to be lovers. Sometimes you just have to be friends…

25

The best feeling of our trip is when we just look to the vast Ocean of Marinduque while the Silhouette of  Love, Respect, Trust and Honesty flows through the Veins of our Friendship.

28

Nagsimula na kaming hanapin ang mga Peculiar Kids sa Marinduque. Excited ang lahat sa panibagong journey na nag aabang.

Nang makita namin ang Bukana ng Palad Sandbar, Lahat kami ay napahanga sa angkin nitong ganda.

29

Marami rin ang napad-pad na manlalakbay saPalad upang hanapin ang mga magical creatures ng marinduque.

Napakalaking misteryo din kung paano nagkakaroon ng mga Sand Bar dito sa Pilipinas dahil lumalabas lang ito tuwing Low Tide. Halos dalawang oras lang ang window period para masilayan ang ganda nito kaya kelangan ng tamang timing.

30

Nakita namin ang pangalawang Clue tungkol sa Peculiar Kids. Ayon sa mga alamat, nag iiwan ng mga Sand Drawing ang mga batang ito upang hikayatin ang mga manlalakbay na isulat sa buhangin ang kanilang mga problema at agam-agam.

Ito marahil ay para linisin ng mga alon ang kanilang mga dinadalang Bigat sa kanilang Puso. At sa muling pag lutang ng mga Sand Bar, Panibagong  mga buhangin ang kanilang lalakaran upang harapin ang liwayway ng walang katapusan na Pagmamahalan.

31

32

15622262_10207638974919584_7904600000483133166_n

15590669_10207638945478848_7202454458401676793_n

 

Nakatagpo rin kami ng ilang mga temptations at magagandang view na isinabuhay ni Fabby sa mga larawan.

33

We also faced some battles with the Giants.

34

We made the final stance to defeat the Giants by using our Magical Hug that convert our Love to a Powerful Weapon.

Things are lookin’ Up!

35

Pagkatapos ay lumangoy kami sa transparent na tubig ng Marinduque. Wala akong masabi sa linis ng tubig dito.

Nag enjoy talaga kami!

40

39

We waved goodbye to Palad Sand Bar with tears. Tears of Joy.

Little by Little, we understand what the Peculiar Kids are trying to say to us.

42

Ang next stop namin ay ang Ungab Rock Formation, Mongpong Island.

Kami ay pinangunahan ni Emman sa pagbisita sa lugar na to.

43

Bumungad sa amin ang mga Hollowgast of Ungab.

47

44

Nakakamangha ang mga rock formation dito.  Tinatawag din itong Balogbog Baboy ng Local ng Sitio Ungab. Para itong maliit na Bridge kung titingnan sa malayo.

Maari ka rin mag cliff jumping at Rock Climbing. Depende sa trip ng barkada.

15439899_10207638931958510_4927995385559451845_n

Naglangoy kami kasama ng mga Hollowgast. Nag enjoy din kami sa ilang silhouette photography na idinerek ni Kuya B at Lara.
45

15442211_10207619919164999_7526793126574203019_n

46

Nagkaroon din kami ng ilang bonding moments kala ate and the Kids. Sobrang cute ni ate este ng mga Kids. Nakakadala ang mga tawanan nila at kwentuhan habang pinagmamasdan ang napakataas na Ungab Rock Formation ng Isla.

Jonat: Anong Grade nyo?

Mga bata: Grade 3 po. Taga saan po kayo?

Jonat: Taga Laguna, san ang skul niyo?

Mga Bata: Malayo pa po. magbabangka pa po ih Dun pa po sa Bayan

Jonat: Tara mag Picturan Ate.

Ate Cute: haha di naman ako taga dito. vistor lang din naman ako.

Jonat: Okay lang po yun. The More the Merrier (Palusot.com)

Sabay lapit ng boyfriend ni Ate. haha Failed and Broken.

Lesson: Siguraduhing alamin kung malapit ang BF/GF before magpapicture sa mga nakikilalang crush during travel.

48

Gabi ng dumating kami sa Marikit Na Beach Resort. Kumain kami ng diner upang bawiin ang aming mga energy na nawala sa aming paglilibot sa mga isla ng Marinduque.

Masaya kaming nagkwentuhan sa  mga nangyari buong maghapon. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Biglang dumating ng mga Game Master na handang subukan ang mga kakayahan ng 5-star.

This slideshow requires JavaScript.

Unang Game: Minute to Win It. Remove the Paper Strip between the Cup.

Ang unang grupo ay nag try subalit bigo sila para tapusin ang laro. Lage kasing natutumba ang kanilang mga baso everytime na hihilahin nila ang Papel.

Ang pangalawang grupo ay lubos na matatalino kumpara sa naunang grupo. Inayos nila ng maayos ang mga papel at cup upang hindi matumba ito tuwing hihilahin na ang papel. sa loob lamang ng 5 seconds natapos nila ang game.

Akala namin ang grupo na nila Jonathan, Lara, Ivan at roan ang panalo.

Ang Pangatlong grupo ay lubos na tuso ginaya nila ang teknik ng Pangalawa at natapos nila ang game sa loob ng 2 seconds. Gamit ang kadayaan taglay ng mga mukha nila ariel, inuwi nila ang tropiya ng unang challenge ng mga Game Masters.

50

Pangalawang Game: Saving Ace

Pagkatapos i-shuffle ang baraha, inilagay ito sa ibabaw ng table. Ang rules ay kelangan mong itira ang apat na Ace sa ibabaw ng table at ihulog ang ibang mga baraha gamit ang pag ihip.

Kanya kanyang diskarte ang ginawa ng tatlong grupo. Panalo sana ang grupo nila Ivan subalit nadaya na naman sila ng naunang grupo. Pinatawa kasi sila habang hinihipan ang mga baraha. Kaya sa isang iglap lang ay naihulog lahat ng Ace. Iba ata ang pagkakaintindi nila sa rules and regulation. As expected. Ang nanalo ay ang mga madadayang Group Number 1 na pinangunahan  ni Michael.

51

Pangatlong Game:Maximum and Mininmum

Ang Rules ay susundin nila ang Arrangement na ibibigay ng Game Master. Ang pinaka gwapong si Jonathan ang naging GM.

Ang unang arrangement ay Arrange yourself from Maximum to Minimum  according to your weight. Xempre nanguna si Claris sa Linya. haha Joke lang. Na null ang unang category kasi ayaw nilang magpatalo kung sino ba talaga ang pinaka mataba.

Ang ilang category na napili ng game master ay arrange yourself from Maximum to minimum according to the color of your shirt, to the last letter of your surname, to your birth month, number of siblings and etc.

Mahirap din palang mag isip ng mga category muntik nang tumaob ang bangka ni GM Jonat.

 

Pangapat na Game: Throwback Pictures

Naging masaya ang larong ito. Pinakita ang mga pictures ng g 5-star noong College days at Elementary Days at nireminisce nila ang mga magaganda at masasayang pangyayari noong nag aaral pa sila.

Tumatanda na nga daw ang 5-star subalit nanatiling mga bata ang kanilang isipan tuwing magkakasama ang tropa.

49

Pagkatapos magpamalas ng ibat ibang mga talento ang 5-star sa harapan ng mga Game Master, Sila naman ay nagpahinga at nanoood ng ilang nakakatuwang videos.

 

Ang huling activity ng 5-star ay ang Lantern Festival. Subalit hindi ito lumipad dahil sa malakas na hangin noong gabi. Malungkot lang kasi ito yung first time na bumili kami ng mga Chinese lantern para paliparin. Dati kasi kami mismo ang gumagawa ng mga Failed Project Lanter ng Reunion namin.

Muli na namang hindi lumipad ang mga wish ni Keneth, Emman at Ariel. Pero naniniwala pa rin ako sa tamang panahon masisilayan din namin ang paglipad ng magagarang lantern papunta sa kalawakan ng aming Pagkakaibigan.

Dinaan na lang namin sa Camp Fire ang Kwentuhan.

Jonathan: For the Betterment of 5-star. For the Betterment of our Friendship. For over a decade of everlasting Love. For the betterment of our career and dreams. I hope we can continue this kind of gathering every December. For the betterment of all! Cheers!

Michael: Sana kahit magkaroon na tayo ng kanya kanyang pamilya. Magka boyfriend at Girlfriend man. Sana Magkakabonding pa rin tau. Sana hindi tau mabawasan.  Mas madagdagan pa tayo next year. For the Betterment!

Claris: For the Betterment of 10 years of our friendship!

Lara: Alam nyo guys. Mahirap talaga mag plan ng reunion. Sana Palage kayong anjan para supportahan kami sa mga plano namin tuwing december gathering. Although alam ko na medyo busy na rin ang lahat sa kanya kanyang career at ilan namamahalan. Pero kami rin busy at namamahalan pero nag sasave kami ng time at effort tuwing december para magkasama sama tayo. Sana next time pag nag set kami. Wala na kayong tanong. Yes na lang! kasi once a year lang naman toh. at sana rin magkaroon na ako ng BF. For the betterment of 5 star! For the betterment of my Lovelife! Wag sana tayong magsawa mag bonding at mag gala. Next time naman Batanes! For the Betterment! Cheers!

Ivan: Guys. unang una. Gusto ko sana mag thank you at nakasama kayo sa plan namin na reunion. Rest assured naman na isinaalang alang namin ung mga pupuntahan natin na lugar, budgetwise at happywise. Sana Palage pa rin kayo sumama kahit may mga anak na kayo. Naimagine ko nga na naglalaro ang mga chikiting natin dito sa beach kasama natin. Mas marami pa tayong bonding Moments. Di tayo magsasawa. For the betterment of our Friendship and our love ones. cheers!

Charles:Gusto ko muna magkwento. sa totoo lang. Dapat hindi ako kasama dito kasi may after party pa kami ng company christmas Party. Pero its a matter of priority talaga. Kasi at the last minute nagdecide ako na kayo ang piliin ko. At hindi talaga ako nag sisisi. Masaya ako na makasama kayo this 2016 reunion. Hindi man tayo complete pero alam ko tiyak next year mas madadag  dagan tayo. For the betterment! Cheers!

Julius: Thank you muna sa lahat ng nag organize para maging successful to. kay Lara at kay Ivan. thebest kayo.Sana di kayo magsawa na gawin ito every year. at nangangako ako na hindi na ako aabsent sa mga gathering natin. Para sa alak! para sa Red Horse! For the betterment of everyone na nandito at nandoon! Sana more decades pa sa ating friendship.

Keneth: Gusto ko muna mag thank you kay ariel. kasi siya ang pumilit sa akin na sumama sa reunion natin. Salamat din salahat na nandito ngaun. alam ko marami kayong nasacrifice na panahon or something like that para lang makasama kami. Talagang masaya ako naandito tayo kahit endi lumipad yung lantern ko. For the betterment! cheers.

Emman: Ayon. Thank you sa mga nag organize. Sana magawa pa rin natin ito kahit medyo busy na tayo sa ating kanya kanyang lovelife katulad ko. haha Promise next year kasama na ang plus one ko. I’m happy andito ako kasama kayo. For the betterment of everyone! Cheers!

Eplong: Guilty ako sa mga hindi nakakasama noong ako ay may pag ibig pa. Busy lang talaga! It’s nice na meron kang nababalikan na mga kaibigan. I will try na sumama sa every gathering. For the betterment! Cheers!

Ariel: Masaya lang ako. kasi limang taon na natin ginagawa yung reunion. Sana magtuloy tuloy pa! Gusto ko rin mag thank you kay EJ na palageng present sa reunion natin at supportive maging photographe. Sana kahit wala ako sumama ka pa rin sa reunion natin kasi kasama ka na sa family ng 5 star. Love you. Pakiexplain! For the betterment! Cheers!

 

Kinabukasan, kami ay sinalubong ng malamig at makulimlim na umaga. Hindi na namin magawang mag island hopping dahil sa weather. Inenjoy na lang namin ang napaka cozy na ambiance ng Marikit Na Beach.

Sawi kaming makita ang mga Peculiar Kids ng Marinduque.

15492610_10207639345168840_5372248937107651225_n

15541583_10207639359489198_3051301269425467099_n

Ariel: Ayos din ang reunion natin. Chill lang. Endi pagod.

Jonat: Oo nga.

Ariel: Alam mo tol, endi talaga ako nag eenjoy sa mga pinupuntahan natin.

Jonat: Bakit?

Ariel: Oo. Maganda naman yung sand bar pero kung ako endi ako pupunta dun.

Jonat: eh bakit ka sumama?

Ariel: Kasi ang gusto ko lang ay makasama kayo! Makabonding kayo. Kahit saan Place okay lang sa akin. Kahit nga lang sa Tagaytay or batangas lang tayo ih. basta magkasama sama lang tayo. Kaw ba?

Jonat: Oo nga. Ganda ng realization mo ahh. Parang kang peculiar kids. ako kasi nag eenjoy ako sa pagpunta natin sa mga Sand Bar or waterfalls, kasi parang escape ko un sa 1 year na work natin. Yung maka langhap lang ng fresh air at xempre ung makabalita sa bawat isa sa atin.

Ariel: Tingin ko baka last na natin toh.

Jonat: endi naman.

Ariel: Baka tamarin na sila lara pag may BF at GF na sila.

Jonat: Malay mo naman sila naman talaga para sa isat isa.

Ariel: Sana nga. kasi 5 years lang yung maximum di ba ng reunion. after that wala ng kasunod yung mga naunang batch natin.

Jonat: Uu, sabi nga. Pero feeling ko endi mangyayari yun. Kahit sa Pansol lang tayo next year or kahit kain lang sa resto. Okay na un. Malay mo naman matupad nga yung Batanes na Plan ni Lara.

Ariel: Basta andun kayo. Okay sa akin. kahit saan Place.

Jonat: langya ang cheesy mo. sana andito rin sila Alvin.

Ariel: Oo nga.. para madagdagan ng Bobo. haha

Jonat: For the betterment!

Ariel: Cheers!

(Ginagawa ni ariel ito habang hubo’t hubad sa may gilid ng Marikit Na Beach Resort. Para maimagine nyo lang)

54

56

57

27

26

 

This slideshow requires JavaScript.

 

Para sa akin tayo talaga ang mga Peculiar Kids! Lage kasi tayong masaya pag magkakasama ng walang dahilan. hahaha

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dami dami ng tao sa mundo ay tayo- tayo ang magkakasama sa mga Galaan.

haha Sawa na nga ako isulat ang kwento natin! haha Joke lang!

Sana kahit tumanda na tayo eh Mag-mukha parin kayong mga Gago! Para masaya ako habang tinitingnan kayo! haha

Maraming realization sa trip na ito. Tara balikan natin ang ating mga reunion.

 

New Wave of Fortune Island

ECE Amazing Race

Bolinao Pangasinan Adventure

Borawan, Agdangan Quezon Adventure

Laiya Long Beach Resort

 

Great friends are hard to find, difficult to leave, impossible to forget.
Thanks for the 10 years of friendship 😍😁 – Michael

15492086_10207638985679853_2294831760469480543_n

41

 

For more details of how did we come up in our Tour Package:

55

Note: 2 Days 1 night lang ang accomodation namin na pinili.

Budget of 2700 per Person (Qty: 10 to 15)

Inclusion: Food (4 meals), 2 Mega Bedroom and Transportation (Van from manila to G-Luna, Bangka Ride from General Luna to Marikit Na Beach & Island Hopping Boat Rent)

 

14877671_10207427057823262_1798221261_n

15327767_10207533495762671_278126518_n

Photo Credits to Lara, Michael, Ariel, Claris, Charles, Jonathan

Advertisements

2 thoughts on “Marinduque and The Peculiar Kids

  1. Ate Nene says:

    Love how you storytell ….and wow to your friendship…heart na heart ko…feel na feel ko ang happiness ng trips nyo and dreams and wishes nyo para sa betterment!!! To your friendships !!!! More years if bettetment!!!!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s