Mt. Kalisungan | Bunga Falls Adventure

mt kalisungan

Ito ang alamat ng Mt. Kalisungan.

Asawa ni – Mt. Kalisungon. haha

Ito marahil ang isa sa mga Historic Mountains na napuntahan ko. Sa hindi nakakaalam, ang Mt. Kalisungan ay ang lugar ng Huling pagtatanggol ng mga Retreating Japanese Soldier towards the end of World War II.

Pagkatapos ng Giyera nagtayo ang Local Community ng isang Krus sa tuktok ng Bundok upang alalahanin ang mga nagbuwis ng Buhay noong makasaysayang Digmaan. Marahil ito na rin ang dahilan upang malimit itong puntahan ng mga tao tuwing Holy Week.

Ang Mt. Kalisungan ay matatagpuan sa Gitna ng Nagcarlan at Calauan kaya minsan ay tinatawag din itong Mt. Nagcarlan at Mt. Calauan.

Dahan dahan nating buksan ang mga pahina ng Bundok na ito… Tara na Byahe Tayo!

DSCN5465

6:30am ang meeting Place namin sa SM Calamba.

Para makapunta sa Calauan Laguna, pede kang sumakay ng Jeep or Bus galing Calamba papuntang Sta. Cruz. Pede ka rin dumiretso dito from Cubao or LRT Taft, sumakay ka lang ng Bus going to Sta. Cruz Laguna.

Basta ang palatandaan ay ang mga naglalakihang Bibe na nakikita nyo sa Picture. Kaya siguro hindi rin naging mahirap ang pagpunta namin sa Bundok na to.

DSCN5466

Sa likod ng mga Bibe kami nag meet up ng mga galing Calamba, Sta. Rosa at Cavite. Dito rin kami sumakay ng Tricycle papuntang Brgy. Lamot kung saan matatagpuan ang jump Off Point ng Mt. Kalisungan.

DSCN5467

Pagdating namin sa Brgy. Hall ng Lamot, nagbayad kami ng 20php para sa environmental fee ng bundok. Sila kasi ang namamahala ng kalinisan at kaayusan ng Bundok. Hindi na rin nakakatakot umakyat dito dahil siguradong Safe at walang aberya ang mga Trails na Dadaanan mo.

For me, kelangan talaga ng Guide sa pag akyat ng Bundok. Marami kasing sanga-sangang daan at ang ilang trails ay madaling magbago ng dahil sa mga bagyong dumadaan sa lugar. Its better to be Safe than risk your Hike for your Do it Yourself Attitude. Having a guide also benefits the Local Community to have an extra income.

FYI: Ang pangalan Lamot ay hango sa pangalan ng mga maliliit na halamang nakakapit sa mga bato sa ilog sa dakong ito ng bayan ng Calauan na nakakapit na kung tawagin ay lumot ng mga matatanda. Ang pangalan Lamot ay kinuwa sa isang Babuyan na tinawag na Lamot Hog Farm na naging palatandaan na ng mga taong pumupunta dito. Sa kalauna’y unti unti ng nakalimutan ang Pangalang “Lumot” at tinawag na ang lugar bilang Brgy. Lamot.

Bago kami mag start ng Hiking, dumaan muna kami sa isang bilihan ng Ulam at Kanin. Ang ilan kasi sa amin ay walang dalang pang tanghalian. Thank God at may available na kainan on the way sa Jump Off Point.

I assure you na masarap ang mga pagkain nila. Kaya huwag kayong makakalimot bumili pag napadalaw kayo  sa lugar na to.

DSCN5506

Ang Guide namin ay si Sir Rudy a.k.a. “The White Ninja of Mt. Kalisungan”

Mabait at maraming Kwento si White Ninja sa amin.

Bago kami lumarga, nagkwento si Jerwin ng mga pangyayari on the way sa Calauan. Kelangan daw para makadiscount ng Student sa Bus ay magdadala raw ng Taho. haha. Grabe nagtratrabaho na studyante pa rin. Baka ganon talaga pag mga Baby Face.

Naikwento rin ng aming White Ninja na kalimitan ay Traverse Hike daw ang ginagwa ng nga mga Mountaineer from Mt. Kalisungan papuntang Mt. Atimla.

May kwento raw noong nag traverse sila sir Bino (Most Famous Tour Guide of Kalisungan), pagdating nila ng summit ng Mt. Atimla marami  silang bakang natagpuan na nakapastol. At ng dahil sa gulat ng Baka ay nagkaroon sila ng Panic na nagcause para magsitakbuhan ang mga Baka sa ibaba ng bundok.. Ang ilan ay nawala at ang ilan ay nasaktan na tumusok ang mga sungay sa mga Puno na nabangga nila. Kaya it’s advisable – To every mountain you will visit, Please stay Calm and Silent and watch all the glorious of Nature unfold by itself.

DSCN5513

First of all, Thank you po Lord for a great weather and for the great experience that we all had with this Trip. Yes, You always gave us Sign that Mountaineering was like a Field of Faith. Even we didn’t know what the summit Looked Like and What kind of views it had to offer, You still gave us enough reason to continue blindly to the Beauty of its Mountain.

DSCN5518

Sa start ng Trekking, dumaan kami sa maraming Puno ng Saging, Sintunis, at Rambutan. May mga Bunga na nakalawit ngunit magpaalam pa rin kayo sa Guide kung balak nyong pumitas ng mga prutas . Ang ilan kasi sa mga Puno ng bundok ay kinukuwanan nila ng Source of Food at Income kaya respect the Locals bago kumuwa ng mga Hinog at masasarap na prutas.

DSCN5535

Pagkatapos ng isang oras nag pag ascend, Unti unting bumubulaga sa amin ang magandang View ng Kapatagan ng Calauan Laguna. Astig.

Ika nga ni DK, Every mountains has unique Beauty.

DSCN5548

We also met some underground pirates in our hikes. The secrecy of being handsome and awesome had been felt in their eyes and shades.

DSCN5545

Dito na rin nang hina ang 38 years old Mountaineer na kasama namin. haha mukhang napagod ata sa pag akyat. Marami naman tumulong sa kanya at nagdala ng kanyang gamit upang maipagpatuloy ang pag akyat towards the summit.

Kuya Vane, don’t worry hindi ko sasabihin na ikaw ang tinutukoy ko dito Pramis.

Si Jerwin nga pala ang pumasan ng lahat ng dala ng ating 38 years old Mountaineer. Hanga din ako kay Jerwin kasi hindi ata nauubusan ng Kwento hanggang makarating kami sa Summit at makababa. Walang Pagod Ahh. Kahit 500ml lang ang dalang tubig di natutuyo ang boses. Nice One. I think he made this climb lively. Siya lang kasi ang may kayang magsalita habang umaakyat.

DSCN5556

Napadaan kami sa isang kubo kung saan may mga tindang Mountain Dew. Bumili kami para bigyan ng konting Lamig ang aming katawan. So Refreshing! para ngang ayaw na namin tumuloy sa Summit. Sarap matulog sa Kubo dahil may duyan pa! wahh nakakapang akit ang mga scenario.

Iniwan din namin ang ilang gamit sa kubo upang maging mas madali ang summit final assault.

DSCN5563

Naging matalahib ang mga sumunod na mga trail.

Medyo nahirapan ako ng konti sa part na ito dahil sa Init at mga Talahib na humaharang sa aming bawat pag hakbang.

DSCN5592

And after all those Obstacles that tested our endurance, we finally saw this magnificent View at the Summit.

The disciple of the White Ninja of Mt. Kalisungan had finally began the New Era of Mountaineering.

DSCN5580

Some of us start the summit with pabebe wave. At walang makakapigil sa kanila.

Marami rin kaming naabutan na nag gagandahang dilag sa tuktok ng bundok. From Valenzuela ang karamihan sa kanila. Nice to Meet you Guys!

DSCN5603

Here’s some of our photo that would give you motivations to hike Mt. Kalisungan in a blink of an eye!

DSCN5606

Thank You Lord for another great scenery that unfold in our sight. In this very special day!

DSCN5620

DSCN5629

The green Meadows of the Summit was indeed beautiful.

While the clouds above dance with all mighty!

DSCN5638

Once you reach the summit, a view deck where you can pin point the seven lakes of San Pablo was unimaginably at its best (Lake of Muhikap, Palakpakin, Sampalok, Calibato and Twin Lake Yambo and Pandin )

Also,

Located at the West side view, you can see Mt. Makiling.

Located at the North side view, you can see Talim Island with Mt. Tagapo as it highest peak

Located at the East side view, you can see the Caliraya Highlands, Mt. Cristobal and Mt. Banahaw

DSCN5634

We took our final selfie at the summit before we went down to Bahay Kubo where we ate our Pack Lunch while drinking Cold Mountain Dew.

DSCN5652

Sabay namin pinagsaluhan ang aming mga Pagkain – meron may Chopstick, nagkakamay at nagkukutsyara.

Sa kalagitnaan ng pahihinga ay nagkaroon ng sharings.. Old school nag paglalahad ng mga kabataan.

Halos lahat kami ay galing 90’s kaya nakakamiss ang ilan sa mga bagay na pinapakinggan natin noon. Kung nakakarelate kayo sa mga susunod na usapan. hahaha Congratulations! batang 80’s at 90’s ka! or sadyang naenjoy mo lang ang panahon noong mga bata ka pa lang.

RED WHITE AND BLUE… STARS OVER YOU, TATAY SAID NANAY SAID I LOVE YOU, KAPITAN PINOY!

Hindi ko rin alam ang mga shows na yan. Pero sino nga bang hindi makakalimot sa mga programang AM radio sa DZRH…

Nakilala nyo din ba si Simatar?

Si Eng-eng ?

O kaya naman ay si Rontonton na nagsasalitang aso?

At napatayo rin ba ang mga balahibo sa katatakutang dulot ng GABI ng LAGIM….

Nakaka miss diba. Siguro nga marami ng nagbago, naging Hitech na ang lahat sa paligid natin. Pero minsan napapaisip ako. Paano kung ang mga kabataan natin ngayon ay may maabutan pang ganito tuwing nagbubukas sila ng Radio. Hindi puro Twerk it like Miley na lang! Di ba Diba!

DSCN5695

1:30pm ng nagsimula kaming bumaba.

Ako’y nagulat! sa aking narinig…

Bigla na lang nagpatugtog si DK ng Boyband Songs. haha

Lahat naman kami napakanta sa playlist ni DK. and Guess What Saulo pa pala namin ang mga kantang, Tell me Why, Its gonna be me, bye bye, at iba pang kanta ng NSYNC, Boyzone, Carpenter, Michael Learns to Rock, A1, Blue, Westlife at Backstreet Boys.

Nakakatuwang lahat kami Fans ng Boyband nong bata pa.. haha

Jerwin: Noong  elementary, pag susulit ang ayaw ko.

All: Bakit?

Jerwin: Kelangan kasing magpagupit. nasisira ung Boyband looks ko. haha

DSCN5679

We also met some awesome People during our Hike. Nice to meet you Kat. Hopefully makasama ka ulit namin sa mga susunod nag paglalakwatsa sa bundok. I’ll see you then.

DSCN5678

Pagkababa namin ng bundok. Lumarga agad kami papuntang Bunga Falls. And all the magic of this Enchanted Falls started here…

DSCN5708

 

Bunga Falls at Nagcarlan Laguna

Pagdating namin sa entrance ng Bunga Falls ay nagbayad kami ng parking fee(15php) at Entrance fee ( 5php)

Sobrang excited lahat para bisitahin ang Falls na ito. Sa picture pa lang eh talagang napapatumbling na agad kami. What more sa actual scene! Wooh Excited lang.

Habang bumaba kami ay unti-unti  na rin sumisilay ang bawat pagpatak ng tubig mula sa Bunga Falls.

DSCN5718

Masaya kaming nagmasid sa mga naliligong mga kabataan sa ilog ng Bunga Falls. Wahh, para bang hinihila na kami nito sa tubig para magtampisaw.

Subalit datapwat, kelangan namin ipahinga ng konti ang aming mga katawan dahil sa Init at Pagod ng aming katawan. Mahirap na baka mapasmado pa kami pagkatapos maglangoy.

We patiently waited until our body temperature cool down.

DSCN5719

DSCN5727

DSCN5732

Sobrang simple lang ng Lugar! Bakit ngaun ko lang nalaman ang Bunga Falls?

Another Gift from the Lord! Another Experience we would cherish for the rest of our Life.

We did enjoyed the Simplicity, the Nature, the Enchanted Sound of the water flowing down the river and the heart beating Cliff Jumping down the Falls.

DSCN5787

Nang nakaramdam na kami ng Lamig na humihila sa amin papunta sa rumagasang tubig ng Talon, Nag simula na rin kaming mag swimming upang marefresh ang aming katawan sa kabila ng napaka hirap na Climb sa Mt. Kalisungan.

DSCN5800

Syempre ako lang ang may gamit ng salbabida. haha di kasi ako marunong magswim swim.

Malalim talaga ang Falls. ang ilan sa amin ay  nangahas na tumalon sa Waterfalls.

Medyo delikado ito Guys, kaya hindi ko inaadvice na gawin nyo lalo na at walang mga Taong Aalalay sayo sa pag talon.

DSCN5902

Para sa akin, ang best part ng adventure na ito ay ang makitang Tumalon si Sophie at Jerwin sa Cliff ng Bunga Falls! Sobrang astig lang nila. haha sana talaga marunong ako mag swim swim at may lakas ng loob para malagpasan ang takot na nararamdaman ko sa tubig.

Congrats sa mga Tumalon! You deserved a hundred of Clap Clap for your bravery on Conquering The Hidden Gem of Nagcarlan Laguna.

DSCN5904

Thank you Guys sa pagsama! I never expected na gantong kagandang Experience ang naghihintay  sa atin.

This is one of the reason while I love Mountaineering and exploring Untold Natures!

Nawa’y marami pa tayong maakyat na Bundok. Mapuntahang Hidden Waterfalls. At makilalang mga kaibigan sa iba’t ibang Trails dito sa Pilipinas o sa Ibang Bansa man.


Invitation: Mt. Kalisungan

Location: Calauan Laguna

Tara umakyat ng Bundok this October:

When: October 25, 2015

Meeting place: SM Calamba 7:00am

Budget: less than 500php
ITINERARY

0600 Board Green Star/DLTBCO Bus from LRT Buendia or Cubao Bound

or 0700 Board Jeep or Bus from Calamba Laguna

0830 Alight at Victoria, Laguna (at the Duck Junction). Take Tricycle to Brgy. Lamot

0845 ETA  Brgy. Lamot. Ask for the way up. Register at Brgy. Hall

0900 Start Trek

1130 ETA Summit.

13:30 Start Descent

15:00 Back to Jump Off Point of Brgy. Lamot. Take Tricycle going to Bunga Falls

15:45 Arrival at Brgy. Bunga , Nagcarlan Laguna

16:00 to 17:30 Enjoy The Bunga Falls (Swim Swim)

18:30 Wait for a Bus or Jeepney Going to Calamba Laguna / Alabang / Cubao Bound/ LRT Bount @ junction of Victoria Laguna

Anything goes from here…

 

Transportation:

35 php – Calamba Laguna to Victoria Laguna

20 php – Victoria Junction to Brgy. Lamot Calauan Laguna

400 per Tricycle – Back and Forth Ride from Calauan to Bunga Falls Nagcarlan

 

Mt. Kalisungan Budget:

Tour Guide – 400php

Tour Guide Mt. Kalisungan to Mt. Atimla Traverse – 800php

Guide Contact Number:

Kuya Rudy Dela Rey – 09071554772 (aka The White Ninja)

Sir Bino – 09994100991 (aka The Boots Man)

 

Foods:

Itik @ Victoria Laguna – 160php (whole)

 

Bunga Falls Budget:

Cottage – 250php

Salbabida – 40 php

Parking Lot Fee – 15php

Entrance Fee – 5 php per person

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s